Chapter 24: Fall
"Then I'm calling Dwight."
Namilog ang mga mata ni Sally. "Huwag! Bad 'yon!"
"Okay. Give me your cousin's number."
"MAY GUSTO KA SA PINSAN KO? PAANO SI CRYSTAL? BAD KA---"
Tinakpan ng binata ang bibig ni Sally. Sumasakit na ang kaniyang ulo.
"I don't like your cousin. Kailangan ko lang siya tawagan para sunduin ka dito."
Kumalma naman si Sally at umamo ang mukha. "Pero I'd be having dinner with my family."
"What?"
"Sabi iyon ni Mia," aniya at niyakap ang boteng hawak niya.
"Then sino ang puwede kong tawagan?"
"Si Sally!" tuwang sabi nito.
"Lasing ka na talaga."
"Oo nga, lasing ka na," tumatango-tangong sabi ng dalaga.
"Bakit ako? Ikaw kaya."
"Kaya nga, ikaw."
"Ikaw nga, hindi ako. I didn't even drink!"
"Iyon na nga! Ikaw, hindi ako. Gulo mong kausap, Traver. Tsk tsk," pailing-iling na sabi ni Sally.
Sumuko na lamang si Traver at hindi na nagsalita. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kaibigang si Dwight. Makalipas ang ilang ring ay sumagot naman ito.
"What?"
"What a greeting."
"Why'd you call?"
"Nasaan ka ngayon?"
"Why?"
Tumalikod ang binata kay Sally at hininaan ang boses. Baka magwala na naman ang dalaga o di kaya'y agawin ulit ang cellphone niya.
"Sally's with me and she's drunk."
"What the fuck? Where the hell are you?!"
"Woah, dude kalma. We're at Mang Jun's Barbeque. You know where that is?"
"Yeah, I'm on my way."
"Teka, dude!"
"What?"
"Bring someone else with you. Sally doesn't want you here," natatawang sabi ni Traver.
"Yeah, whatever."
Pinatay na ni Dwight ang tawag. Natutuwa si Traver sa naging reaksiyon ng binata. Ni hindi niya na kailangang sabihin na kailangan niyang umalis at iwan si Sally. Kusa na lamang na pupunta si Dwight. Hindi siya nagkamali ng tinawagan.
"Sino 'yung kausap mo? Si Crystal ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Maghi-hello lang naman ako. Bakit bad ka?" Mangiyak-ngiyak na ang dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Traver. Para siyang nakikipag-usap sa bata. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.
"W-Wait, don't cry! You want to talk to Crystal?"
Parang bata namang tumango si Sally. Napabuntong-hininga si Traver at tinawagan ang kanyang nobya.
"Hello, babe?"
"Hi, babe. I'm with Sally right now. She's drunk and she wants to talk to you."
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Novela JuvenilIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...