Chapter 43: Jealous

63 3 0
                                    

Chapter 43: Jealous

"Wow!"

Napatakip pa ng bibig si Coleen. Manghang-mangha siya sa kagandahan ng resort.

Maski kami ay hindi mapigilang mapangiti at mamangha. Kapapasok pa lamang namin mula sa gate ng Don Roque Beach Resort at napakaganda ng ambiance na bumungad sa amin.

Mistulang botanical garden ang paligid dahil sa mga bulaklak sa gilid ng daan. May mga lanterns at fairy lights din na nakasabit sa bawat puno at maging sa mga cottages na mistulang mga bahay kubo. Syempre, hindi rin mawawala ang makukulay na flags na karaniwang makikita sa isang beach resort.

Ipinark ni Dylan ang sasakyan at sabay-sabay kaming bumaba. Bitbit ang mga gamit namin ay kaagad kaming nagtungo sa reception area.

"Dylan!" bungad ng isang maganda at mestisang babae na nakatayo malapit sa front desk. Tantsa ko ay nasa mid-30's na ito.

"Hi Tita," ani Dylan at nakipag-beso rito. "Thank you po ulit sa pag-imbita sa amin dito."

"Don't mention it, hijo. Mabuti at nakarating na kayo. Sila ba ang mga kaibigan mo?" sabi ng kaniyang Tita at tumingin sa amin.

Tumango naman si Dylan. Kinamusta namin siya at maikling nagpakilala sa kaniya. Nagpasalamat rin kami sa panlilibre niya sa amin dito.

"Wala 'yon! Sayang naman kasi ang bakasyon niyo rito kung hindi man lang kayo makakapag-enjoy, hindi ba?" sabi niya. "Oh siya, pumunta na kayo sa rooms niyo at maghanda na para mag-swimming. Maya-maya ay mas dadami na ang tao. Jose, samahan mo sila sa mga kuwarto nila."

Lumapit naman sa amin ang lalaking nasa likod ng front desk para samahan kami. Muli kaming nagpasalamat sa Tita ni Dylan bago nagpaalam.

Ang bait niya! Hindi kaya sila malugi nito?

Sinundan na namin si Kuya Jose papunta sa aming mga kwarto. Dalawang kwarto ang ibinigay sa amin. Isa para sa aming mga babae at isa para sa mga lalaki. Mistulang mga modernong bahay kubo ang hitsura ng mga kwarto at  may malaking distansiya mula sa isa't isa.

Naghiwalay muna ang dalawang grupo namin at napagkasunduang magkita-kita sa cottage number 7 na ipina-reserve ng Tita ni Dylan para sa amin.

"Nice," komento ni Crystal pagkapasok namin sa aming kwarto.

Simple lamang ito ngunit napakaganda at kompartable. May malaking king size bed sa gitna, side table, electric fan, cabinet, at may mesa at upuan sa gilid. May sariling banyo rin ito.

Inayos muna namin ang aming mga gamit bago nagbihis. Nag alangan pa ako sa susuotin ko dahil naka-tshirt lang ako madalas at shorts tuwing nags-swimming ako dati. Pero ngayong kasama ko ang mga kaibigan ko, baka magmukha lang akong turon kung iyon ang suotin ko.

Sinuot ko na ang itim na two piece swimsuit na kabibili ko pa lang. Pinatungan ko ng shorts ang pambaba at wala akong balak hubarin iyon. Nagsuot na rin ako ng see-through na pantaas para mas maging kumportable ako. Hindi pa naman kami agad maliligo.

Ipinusod ko ang aking buhok at nagtira ng ilang hibla para magandang tignan. Ako ang unang natapos maghanda sa aming tatlo. Pabiro akong napasipol nang makita ang dalawang kasama ko.

Nakasuot si Coleen ng kulay maroon na two piece. Naka-krus ang pang-itaas sa kanyang mayamang dibdib at hanggang beywang naman ang krus ng kaniyang pang-ibaba. Si Crystal naman ay naka-green na one piece swimsuit. Backless ito at nakatali sa kaniyang leeg.

Hindi ko mapigilang mamangha sa hubog ng kanilang mga katawan. Napaka-perpekto rin ng mga balat nila samantalang ako ay may maliit pang peklat sa tuhod dahil sa kakalaro ko noong bata pa ako.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon