Chapter 44: Secrets Out

56 3 0
                                    

Long chapter ahead.


Chapter 44: Secrets Out

Hindi rin ako masyadong nagtagal sa dagat. Nandoon pa kasi sina Crystal sa cottage. Sila naman dapat ang maligo at mag-enjoy dito.

Sumama sa akin si Dwight kahit ilang beses ko nang sinabi na hindi niya ako kailangang samahan. Baka raw magkita na naman kami ni Nate, 'yung lalaki kanina na ngayon ko lang  natandaan ang pangalan.

"I trust you, but not him," sabi niya pa.

Kaya naman dikit na dikit na naman siya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa cottage. Napagod na ako kaka-sita kaya hinayaan ko na lang siya.

"Tapos na kayo?" tanong ni Crystal pagdating namin.

Tumango naman ako. "Oo, kayo naman. Kami na ni Dwight ang magbabantay dito."

"Okay. Nga pala, Dwight, sa'yo ba 'yan?" tanong niya at itinuro ang cellphone ni Dwight na nasa ibabaw ng upuan niya kanina.

"Yeah," sagot ni Dwight at mabilis itong kinuha.

"Kanina pa kasi ring ng ring. Sinagot ko at sinabing naiwan mo ang phone mo."

"Sino raw?" tanong ni Dwight.

"'Di ko alam pero boses ng babae. Na-wrong number lang daw. Sige, alis na kami. Marami pang pagkain diyan, kain lang kayo," saad ni Crystal at umalis na sila ni Traver.

Babae?

"Sino kaya 'yon?" tanong ko.

"Wrong number nga raw, love. Huwag mo nang pansinin."

Tumango na lamang ako. Nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya nagpaalam muna ako sa kaniya. Agad akong nagtungo sa pinakamalapit na CR. Bumalik rin ako agad pagkatapos at nadatnan ko siyang abala na naman sa cellphone niya. Nakakunot ang noo niya habang nagtitipa.

"May problema ba?"

Napatingin siya sa akin at umiling. Itinago niya ang cellphone niya at ngumiti. "Do you want to eat? Ang dami pang pagkain."

Umiling ako. "Busog pa ako. Ikaw?"

Bago pa siya makasagot ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag.

Pinatay niya lamang ito at muling itinago sa kaniyang likuran. "Love, magbibihis lang ako. Is it okay to leave you here? Babalik rin ako agad."

Hindi mapigilang kumunot ng aking noo. "Hindi ka na ulit maliligo?"

Umiling siya. "I'm already cold."

Tumango na lamang ako. "Sige, bilisan mo."

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago umalis. Pinagmasdan ko lamang siya habang naglalakad palayo.

Hindi ko mapigilang magduda. Malakas ang kutob kong ang babaeng sinagot ni Crystal ang muling tumawag kay Dwight. Matagal ko nang nararamdamang may tinatago siya sa akin.

"Ayos ka lang, Sally?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Aiden. Basang-basa pa siya. Dumiretso siya sa mesa at kumuha ng maiinom.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon