Chapter 16: Friends
Umatras ako nang kaunti at huminga nang malalim.
Huwag kang magpapadala, Sally.
Nakatingin pa rin si Dwight sa akin at hinihintay ang sagot ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang lahat ng nakapalibot sa amin ay mukhang hinihintay rin ang sasabihin ko. Nakaka-pressure tuloy!
Napapikit ako at muling bumuntong-hininga. "Hindi mo naman na kailangang gawin 'to," sabi ko at iminulat ang mga mata ko.
"This is nothing compared to what I did to you. Kulang na kulang pa 'to."
Tinitigan ko siya sa mata."Exactly, kaya nga hindi mo na sana ginawa 'to. Pinapahiya mo lang ang sarili mo," diretso kong sabi. Nanlumo naman siya at naibaba niya ang hawak niyang mga chocolates at rosas.
Anong akala niya sa akin? Hindi niya ako makukuha sa mga paganito-ganito niya. Kahit pa muntikan na akong mahulog sa patibong niya dahil sa mga balloons at t-shirt na may mukha ng cannibal.
Sobra niya akong nasaktan sa mga pinagsasabi niya kaya hindi pa 'to sapat. Saka hindi ko alam kung mawawala pa ang nararamdaman kong galit sa kaniya. Kahit siguro magpakain pa siya sa mga cannibal hindi parin 'yon mawawala.
"What else should I do for you to forgive me?"
"Wala, kaya tumigil ka na." Napalakas ang pagkakasabi ko no'n.
Biglang tumahimik ang buong field. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko, maski sina Dylan.
Napabuntong-hininga na lang ako. Tinalikuran ko na si Dwight at akmang aalis na nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"We came all this way just to ask for your forgiveness, 'wag namang ganito, Sally," mahina niyang sabi. Natigilan ako.
Nagmamaka-awa ba siya?
"Huwag ka rin sanang ganito Dwight, ako ang nagmumukhang masama nito, e. Sa susunod, isipin mo muna ang mga sasabihin mo para hindi na kailangang humantong pa sa ganito," saad ko at kumalas mula sa pagkakahawak niya.
Tumakbo ako paalis pero bago ako tuluyang makalayo ay narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko. Ngunit ang pinaka-umalingawngaw at tumatak sa isip ko ay ang biglang isinigaw ni Dwight.
"I'm not giving up, Sally! One day, you'll forgive me!"
- - -
Nakatulala ako habang naka-upo sa swing. Kasalukuyan akong nasa park, sa labas ng campus. Dito ako dumiretso matapos ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa school. Lalo na sa mga kaibigan ko.
Ginulo ko ang buhok ko. "Sally naman kasi, e! Pakipot ka pa! Nag-sorry na nga 'yong tao, e."
Napahawak na lang ulit ako sa kadenang hawakan ng swing at napayuko. Napaka-childish ng ginawa ko. At higit sa lahat, ang babaw ko. Oo, nasaktan niya ako sa mga sinabi niya pero todo effort naman siya para mapatawad ko. At kahit medyo kilala ko pa lang si Dwight, alam kong hindi siya sanay na gawin ang mga gan'ong bagay sa harap ng maraming tao para lang humingi ng tawad.
Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa orasang nakasabit sa aking pulsuhan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang male-late na ako sa kasunod kong subject.
Agad akong kumaripas ng takbo at binaliwala ang mga tinging natatanggap ko mula sa mga nakakasalubong kong mga estudyante. 'Di nagtagal ay narating ko na rin ang room namin. Hinihingal akong nakatayo sa may pintuan at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang wala pa ang guro namin.
Napatingin sa akin ang mga kaklase ko sa subject na 'to. May ibang nagbulungan at may iba pang tinuturo ako. Napayuko na lang ako at naghanap na ng upuan. Medyo marami nang tao sa room pero marami pa namang bakanteng upuan. Naupo ako sa may bandang hulihan at nilabas na ang mga kakailanganin ko.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...