Chapter 40: Stay Like This

100 3 0
                                    

Chapter 40: Stay Like This

"Bukas na ba ang uwi mo, hija?" tanong ni Tita Pia habang hinuhugasan ang karneng binili niya kanina sa palengke.

"Opo," sagot ko.

Kasalukuyan akong nagbabalat ng bawang. Katabi ko si Lopeng na siya namang naghihiwa sa mga bawang na nabalatan ko na. Tinutulungan namin si Tita sa paghanda para sa hapunan.

"Babalik naman raw po siya sa pasko," sabat ni Lopeng.

"Mabuti kung gano'n. Masaya rito sa atin tuwing pasko at new year, Sally."

Ngumiti ako. "Talaga po? Kung gano'n sisikapin ko po talagang makauwi dito."

Kwinento nila sa akin ang mga ginagawa nila tuwing pasko. Palagi raw silang may exchange gift at pa-raffle ng mga regalo. Tapos tuwing new year naman, palagi silang may mga palaro at may premyong pera. Nakakatuwa. Excited na tuloy akong mag-pasko at new year ng kasama sila.

"Teka nga, nasaan ba sila? Ba't parang biglang tumahimik?" biglang sabi ni Penelope.

Oo nga. Kanina naririnig ko pa ang mga boses nina Patrick at ng mga Tito ko mula sa sala. Ang kambal naman ay pinapaliguan ng nanay nila dahil pawisan sila kanina mula sa kakalaro. Sina Lolo at Lola ay kasama rin nina Tito sa sala. Bakit kaya sila tumahimik? Maski ang TV ay nakapatay.

"Baka lumabas lang at nagpahangin," ani Tita.

"Tapos na ako. Pupuntahan ko sila. Bye, peoples!" sabi ni Lopeng at tumakbo palabas ng kusina.

"Ang batang 'yon talaga," umiiling-iling na sabi ni Tita. Natawa na lang ako at niligpit ang kalat namin.

"May ipapagawa pa po ba kayo, Tita?" tanong ko.

"Wala na. Sige, magpahinga ka lang muna."

"Sigurado po kayo? Wala naman po akong ibang gagawin, eh. Kung gusto niyo dito lang po muna ako," sabi ko habang naghuhugas ng kamay.

Ngumiti naman siya at umiling, "Hindi, kaya ko na 'to. Magpahangin ka lang muna o ano."

Tumango na lamang ako, "Sige po, pero pag may kailangan kayo tawagin niyo lang po ako, ah?"

"Napakabuti mo namang bata. Osige, tatawagin na lang kita. Ako na ang bahala dito," saad niya.

Ngumiti naman ako at nagtungo na sa sala. Pagkalabas ko ng kusina ay nakasalubong ko si Penelope. Nagulat siya nang makita ako. Nabigla ako nang bigla niya akong kaladakarin paakyat sa hagdan.

"Hoy! Ano'ng problema mo? Baka madapa tayo!" bulyaw ko.

"Shh! Huwag ka nang maingay. Bilisan mo!"

Muntik na akong mapasubsob sa hagdan dahil sa babaeng 'to. Ano ba kasing meron?

Dinala niya ako sa kuwartong ginagamit ko at binuksan ang malaking bintana. Naiwan naman akong nagtatakang nakatayo sa may pinto.

"Ano'ng meron, Penelope?" tanong ko. Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa ka-weirdohan ng bruhang 'to.

Nginitian niya lang ako ng malapad. Tatanungin ko sana siya kung ano na namang trip 'to pero natigilan ako nang may kakaiba akong narinig mula sa labas ng bintana.

May nag-gigitara.

Pamilyar sa akin ang tono ng kantang tinutugtog kaya agad akong lumapit sa bintana. Ano'ng meron? Nagkakantahan ba sina Tito sa labas?

Nang tuluyan na akong nakalapit ay agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala! Paanong...

"Uso pa ba ang harana?

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon