Happy 2k reads! Salamat!
-
Chapter 25: 18 Roses
Ding Dong! Ding Dong!
Napatakip ako ng unan sa mukha. Ang ingay. Dumadagdag sa sakit ng ulo ko.
Ding Dong! Ding Dong!
Napilitan akong bumangon. Naupo muna ako saglit dahil sa sakit ng ulo. Sashetness. Parang binibiyak!
Muli na namang tumunog ang doorbell kaya pinilit kong tumayo. Napahawak pa ako sa ulo dahil sobrang sakit talaga. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa aking harapan ang isang delivery boy.
"Sino ka?" nakangiwi kong tanong.
Bago pa siya makasagot ay biglang dumating si Mia na naka bathrobe pa at basang-basa ang buhok.
"Ako na, bumalik ka na do'n," aniya.
Sumunod naman ako at agad na nahiga sa sofa. Dito pala ako natulog? Ano'ng nangyari? Saka bakit ang sakit ng ulo ko? Gusto kong umiyak sa sakit.
"I ordered food. May hangover soup rin para sa hangover mo. Magbibihis lang ako. Eat up," ani Mia at nagtungo sa kwarto.
Napangiti ako. Ang sweet niya!
Napatingin ako sa orasan. Hala, tanghali na! Binuksan ko ang mga pagkain at sinimulan itong kainin. Masarap. Pero masakit pa rin talaga ang ulo ko.
Muling tumunog ang doorbell. Sino na naman ba 'to? Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa pintuan. Pagkabukas ko nito ay agad kumunot ang aking noo.
"Dwight?"
May inabot siya sa aking maliit na plastic na may lamang gamot. "Para sa hangover mo."
Napakurap ako. "S-Salamat," hindi makapaniwala kong sabi. "Pero paano mo nalamang may hangover ako?"
"People get hangovers when they drink too much alcohol, Sally."
"Alam ko naman 'yon. Pero paano mo nalamang uminom ako? Nagsumbong si Traver, 'no?"
Napakunot ang kanyang noo at tumagilid ang ulo. "You don't remember anything? I was with you last night."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi nga?"
"Don't worry, you'll remember it sooner or later. I'm going," aniya.
Natulala na lamang ako. Bakit ba wala akong maalala?! Ang huli kong naaalala ay nagkita kami ni Traver sa barbequehan tapos bumili ako ng alak. Nag-usap kami ni Traver tapos 'yon na 'yon. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang pinagusapan namin, e!
Umalis na si Dwight at pumasok sa kabilang unit. Pero nagtaka ako dahil hindi naman iyon ang tinutuluyan nila ni Aiden. Naligaw ba siya? Pero paano niya naman nabuksan?
Teka... siya na ba ang may-ari niyan? Lumipat siya? Bakit? Ano'ng nangyari?
Biglang bumukas ang pinto ng unit nina Aiden at lumabas si Aiden galing doon. "Oh, nandiyan ka pala! Great timing," aniya at lumapit sa akin. May dala siyang kahon."This is for you." Ibinigay niya sa akin ang dala niya.
Sinilip ko ang laman at nanlaki ang mga mata ko. Cake!
"Hala! Ikaw ba nag-bake nito?" mangha kong sabi.
Tumango naman siya. "Yeah, pinaghirapan ko 'yan para sa'yo."
Namilog ang mga mata ko at naramdaman kong nag-init ang aking mga pisngi. Aiden magtigil ka!
"B-Bakit mo naman ako bibigyan ng cake?"
"It's a birthday gift. Belated happy birthday, Sally."
Unti-unting napawi ang ngiti ko. Birthday ko nga pala kahapon. Paano niya nalaman 'yon?
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...