Chapter 37: Wrong Timing
"Ugh!" sumalampak si Coleen sa sofa.
"Kamusta?" tanong ko.
"Sasabog na ang utak ko. Mabuti na lang at tapos na!"
"I know, right? Halos maiyak na ako kanina," maktol ni Coleen na nakahandusay sa kabilang sofa.
Natawa na lamang ako. Katatapos lang ng final exams namin. Lahat kami ay halos sumabog na ang utak kaka-aral at kakasagot. Mabuti na lang at tapos na kaya makakapagpahinga na kami. Ilang gabi rin akong walang tulog.
"Ang tagal naman nila," sabi ni Coleen.
Nasa hideout kami ngayon. Tatlo pa lang kaming nandito. Napagkasunduan naming magkita-kita rito pagkatapos ng exams namin para mapag-usapan ang plano nina Crystal at Coleen na mag outing.
"Parating na rin ang mga 'yon," sabi ko.
Ilang sandali pa ay isa-isa na rin silang nagsidatingan. Halata ang pagod sa mga mukha nila.
"Hey," bati ni Dwight pagkaupo niya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sumandal sa aking balikat.
"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong.
"Yeah, just a little bit tired. Ikaw?"
"Ayos lang. Nagawa ko namang makasagot kahit papaano," sagot ko.
"Good."
Pumalakpak si Crystal para kunin ang atensyon naming lahat. "Listen up, people."
Itinuon namin ang atensyon sa kanya. Nagsimula na silang magsalita ni Coleen tungkol sa plano.
"Aalis tayo sa 29 at babalik sa 31, tama lang 'yon para may at least one week pa tayo to prepare at magawa ang iba pa nating plano. Tapos after that diretso tayo magpa-enroll," saad ni Crystal.
Tumango kaming lahat. Sa katunayan, ako ang dahilan kung bakit 29 pa kami aalis sa halip na mas maaga. Uuwi nga kasi ako kina Lola. Ayaw naman nila na hindi ako kasama sa outing kaya ginawan na lang nila ng paraan.
"Napag-usapan na namin nina Dylan ang venue. Doon tayo sa rest house nila in Don Rico. May water falls daw roon sa bayan kaya prepare na lang kayo ng swimming attire. Sagot na rin daw ni Dylan ang food natin sa 3 days na pag-stay natin doon," ani Coleen.
Nagpatuloy sila sa pagplano. Makalipas ang ilang sandali ay natapos rin sila. Tumambay muna kami roon at nagusap-usap bago napagdesisyunang umuwi.
-
"When are you leaving?"
Tinignan ko si Dwight na nakahiga sa kama ko habang pinapanood akong mag-impake.
"Bukas," sagot ko.
"Right away?"
Tumango ako. "Oo, bakit?"
"Can I come with you?"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit ka naman sasama? Hindi puwede! Family time ngayong bakasyon, huwag ka munang pa-epal."
"Pero mami-miss kita," nakanguso niyang sabi.
Aba, aba! Nagpapa-cute!
Tinawanan ko siya. "Ewan ko sa'yo, Dwight. Magkikita pa naman tayo sa outing, eh!"
"But still, I won't be able to see you for a week. Sigurado ka bang hindi ako pwedeng sumama? I'll be a good boy, I promise."
"Hindi nga puwede. Kulit neto!"
Kinulit niya lang ako ng kinulit hanggang sa natapos na akong mag-impake. Naghanda ako ng pagkain para sa aming dalawa. Pagkatapos naming maghapunan ay pinalayas ko na siya sa unit ko.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...