Chapter 22: Lover's Quarrel

190 15 0
                                    

Chapter 22: Lover's Quarrel

"Good Morning, Sally!" masiglang bati ni Mia.

Nagulat naman ako. Bukod sa bigla niya akong binati ay nagulat rin ako nang makitang nag-aayos siya ng hapag-kainan.

"A-Ano'ng meron?"

"Wala naman. I prepared breakfast para sa atin. Join me!"

Wala sa sariling napaupo ako sa hapag-kainan. Hindi ako sigurado kung gising na ba talaga ako o nananaginip lang. Simula noong dumating si Mia, ngayon niya lang ito ginawa.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Tatlong araw pa lang naman simula noong dumating siya. Hindi ko pa siya lubusang kilala. Baka ganito talaga siya, sadyang hindi lang niya naipakita noong mga nakaraang araw.

"Sabay na tayong pumasok since pareho naman tayo ng first subject," aniya.

Tumango ako at nagsimulang kumain.

"Nga pala, can you tell me something about Dwight?"

Muntik na akong mabilaukan. Ayun naman pala. May kinalaman pa rin pala si Dwight dito.

"Tungkol kay Dwight?"

"Yup, anything lang naman. For example ano ba ang mga gusto at hindi niya gusto. Things like that."

Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang tinamaan nga ata ang pinsan ko kay Dwight. Wala naman akong ibang magagawa dahil pinagluto niya ako kaya napilitan akong sumagot.

"Mainitin ang ulo ni Dwight. Ayaw niya sa tatanga-tanga at madaldal, mabuti na nga lang at wala sa aming magbabarkada ang gan'on. Tapos..." Sandali akong napa-isip. "Tapos..." Wala na akong maidugtong. Iyon lamang ang pumasok sa isip ko na tungkol kay Dwight.

"Iyon lang ang alam ko."

Napakunot ang noo niya. "Why? I thought close kayo? Dinala mo pa nga siya sa bahay nina lola right?"   

"Ah, eh..." Napakamot ako sa noo. "Napilitan lang akong isama sila no'n. Magkaibigan nga kami pero hindi kami masyadong close. Pero kung gusto mo pwede naman kitang tulungan sa kaniya."

Kumislap ang mga mata ni Mia. "You'd do that?"

"Bakit naman hindi?"

"OMG, Thanks! You're my favourite cousin na," aniya at tumawa.

Tumawa na lang rin ako kahit pilit at bumalik na kami sa pagkain. Maya't maya ay sinasabihan niya ako kung ano ang mga bagay na gusto niyang malaman kay Dwight para maitanong ko raw.

Tumatango na lang ako at kunwari'y nakikinig.

Sashet. Ano na naman ba ang pinasok ko?

- - -

"Don't forget, Sally."

Napalingon ako sa katabi kong si Mia. Maski si Coleen ay napapatingin rin sa kanya. Halatang medyo naiirita na rin siya.

Nasa classroom kami at kasalukuyang nagtuturo ang professor namin sa first subject. Tuwing tumatalikod siya ay pasimpleng bumubulong sa akin si Mia at pinapaalala ang mga napag-usapan namin kanina.

Ito lang kasi ang subject na magkaparehas sa schedule namin kaya tinotodo niya ang pagpapaalala sa akin ngayon. Ang kulit niya. Panibagong pag-uugali na naman ni Mia ang natunghayan ko. Hindi ko pa nga talaga siya kilala. Pero kahit papaano naman ay natutuwa akong mas nagiging close na kami. Hindi ko lang talaga matanggap na dahil pa talaga iyon sa balahurang baklang menopause.

Biglang tumunog nang napakalakas ang bell, hudyat na tapos na ang klase sa subject na ito. Mabilis namang nagsi-alisan ang mga kaklase ko. Maski si Mia ay nauna na rin sa amin, pero siyempre, hindi pa rin ako nakalampas sa walang hangganang pagpapaalala niya. Nakatanggap pa nga ako ng text message mula sa kaniya noong nakalabas na siya.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon