Chapter 46: The Truth

30 1 0
                                    

Chapter 46: The Truth

Umayos na kami ng upo at inayos ko na rin ang hitsura ko. Medyo namumula ang mga mata ko pero mabuti na lang at hindi namumugto.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na dumating sina Dylan, Traver at Aiden. May dala pa silang mga pizza at soft drinks.

"Si Dwight?" tanong ni Traver sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. "Papunta na raw."

"May dala kaming snacks. Dig in," ani Aiden at inilapag sa mesa ang mga pagkain.

Agad na kumuha si Dylan at binuksan ang TV. Nagsi-upo na sila at namayani ang katahimikan.

Mukhang ngayon ang tamang pagkakataon para pag-usapan ng maayos ang mga nangyari. Gusto ko nang mawala ang ilangan at tensyon sa amin.

Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal si Dwight. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nag-iwas ng tingin.

"Since kumpleto na tayo, why don't we address the elephant in the room?" saad ni Coleen pagkaupo ni Dwight. Sa harapan ko siya pumwesto.

"Ano'ng elephant ang pinagsasasabi mo?" tanong ni Dylan. Hindi niya man lang tinignan si Coleen at nakatutok lamang sa TV.

Binato siya ni Coleen ng unan. "The issue, idiot! Don't tell me ako lang ang nakakapansin sa awkwardness dito?" aniya at isa-isa kaming tiningnan.

"Awkwardness?" taas-kilay na tanong ni Dylan. Sinamaan namin siya ng tingin.

Porket siya lang ang walang issue dito, e.

"Okay, okay!" aniya at pinatay ang TV. "Ilabas niyo na 'yang elepanteng 'yan."

Napairap na lamang si Coleen.

Huminga ako ng malalim at tumikhim. Dahil mukhang walang gustong mauna, ako na lang.

"Gusto kong mag-sorry," panimula ko. Napatitig ako sa sahig. "Sorry dahil kasalanan ko lahat. Kung hindi lang sana ako nalasing at itinikom ko na lang ang bibig ko, hindi sana ganito."

"It's not your fault, Sally," ani Crystal.

"Wala kang ginawang masama. You even helped us, Sally. We're no longer hiding anything from them," sabi ni Aiden at nginitian ako.

"Tama sila kaya huwag ka nang mag-drama, girl!" ani Coleen at pabirong binangga ang balikat ko.

Natawa na lamang ako at ngumiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Nagtaas ng kamay si Crystal. "I would also like to say sorry. Masyado lang akong na-overwhelm at nagtampo na rin, kaya medyo umiwas muna ako sa inyo," aniya at itinuro sina Dwight at Aiden. "Kayo kasi, e! Sa totoo lang nagtatampo pa rin ako, pero slight na lang."

"Sorry," ani Dwight. Pinigilan kong tumingin sa kaniya.

"It was also hard for us to hide it from you. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin at natakot kami sa magiging reaksiyon niyo," ani Aiden.

Napabuntong-hininga na lamang si Crystal. "Well, tapos naman na. Let's just get over it."

"So, okay na? Tapos na tayo sa drama?" biglang sabi ni Dylan.

"Gago," natatawang sabi ni Traver.

"Kahit kailan talaga, Wyatt," ani Crystal at umirap.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon