Chapter 32: Only Yours

134 10 0
                                    

Chapter 32: Only Yours

Kinaumagahan ay nagising ako nang may ngiti sa mukha. Para rin akong lumulutang. Ang saya ko. Maganda rin ang pagtulog ko kagabi dahil sa nangyari.

Mabilis akong kumilos para maghanda sa pagpasok. May pa kanta-kanta pa ako. Wala lang!

Habang kumakain ng almusal ay bigla kong naramdaman ang pag-iisa. Umalis na nga pala si Mia. Kahit hindi naman kami madalas mag-usap noong nandito siya ay ramdam ko pa rin ang presensiya niya. Ngayon ay wala talaga. Napakatahimik.

Biglang tumunog ang doorbell. Agad kong tinungo ang pinto at binuksan. Tumambad sa akin ang nakangiting si Dwight. Nahawa kaagad ako sa kanyang ngiti at nagharumintado na naman ang puso ko. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay sa presensiya niya?

"Good Morning," nakangiti niyang sabi. Nakakatunaw ang ngiti niya. Sobra.

"G-Good Morning. Ano'ng ginagawa mo dito?" nauutal kong sabi.

"Let's go to school together."

Mas lalo akong napangiti. "Sige, pasok ka muna." Pinapasok ko muna siya at isinarado ang pinto."Kumain ka na ba?"

Tumango siya at naupo sa sofa.

"Magbibihis lang ako."

Binilisan ko ang pag-aayos. Nang matapos akong magbihis ay tumabi ako sa kanya upang magsapatos. Habang tinatali ko ang sintas ay napatingin ako sa kaniya. Titig ng titig, e!

"Ano ba, Dwight! Huwag mo nga akong titigan!" pabiro kong suway. Nakaka-conscious uy!

"I can't help it. You're just too beautiful," aniya at bigla akong ninakawan ng halik.

"Dwight!" tili ko. Aba, abuso na siya!

Tinawanan niya lamang ako. Tinapos ko na ang pagsapatos at tumayo. "Tara na."

Nginitian niya lang ako at nanatiling nakaupo.

"Uy, ano ba. Malalate tayo!"

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay habang nakasandal pa rin siya sa sofa. Hala, nagpapabuhat!

"Ano'ng trip 'to, Dwight?" Hindi ako makapaniwala sa inaakto niya ngayon. Ganito ba siya ma-in love? Cute.

"Lift me up, Sally!" parang bata niyang sabi. Iwinagayway niya pa ang nakataas niyang mga kamay.

Dwight!

Tumawa ako at sinubukan siyang buhatin. Hindi ko alam kung sinasadya niya o mabigat lang talaga siya kaya hindi ako nagtagumpay. Muli kong sinubukan ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong hinila. Bumagsak ako sa kanya kaya't pareho kaming napahiga sa sofa. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa akin at ibibaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

Nagsitaasan ang balahibo ko. Lumakas rin ang kabog ng dibdib ko. Harujusme.

"Dwight, nawi-weirduhan na 'ko sa'yo. Ang sweet mo ngayon." Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko. Hindi kasi ako makapagsalita ng maayos dahil nakasubsob ang mukha ko sa balikat niya.

"You don't want me to be like this?" maamo niyang sabi. Pinakawalan niya na ako kaya't mabilis akong bumangon.

"H-Hindi naman sa gan'on, naninibago lang ako."

Bumangon siya sa pagkakahiga at muling sumandal sa sofa. "If you're really uncomfortable with it, then I'll stop."

"Huwag! Okay lang naman sa 'kin. Naninibago nga lang kasi talaga ako. Hindi ka naman ganito dati."

Ngumiti siya at tumayo. "I know, that's why I'm doing this now. Now that I already have the right to do so. You should start getting used to it, love," aniya at kumindat. "Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na paalis.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon