Chapter 36: First Session

101 10 0
                                    

Chapter 36: First Session

Kinabukasan ay napagdesisyonan ko nang pumasok. Ilang araw na rin akong absent. Kinakabahan na ako dahil alam kong marami-rami ang kailangan kong habulin lalo na at finals na namin next week.

"Ready to go?"

"Teka kukunin ko lang ang bag ko sa kuwarto. Mauna ka na sa labas," sabi ko kay Dwight.

Kinuha ko ang aking bag at pinuntahan na siya sa labas. Nagsimula na kaming maglakad. Tumingin ako sa kaniya ngunit sa daan lamang siya nakatingin. Napalunok ako.

Malapit na kami sa tapat ng elevator nang bigla siyang napatigil. "I almost forgot," aniya at tumingin sa akin. Napakagat na lamang ako sa aking labi.

"Come on, let's take the stairs," aniya at hinawakan ang kamay ko.

Pinigilan ko siya. "H-Hindi. Sumakay na lang tayo,"

"No, it's okay. Kung hindi mo pa kayang sumakay sa elevator, then we'll take the stairs. Don't force yourself."

"Pero ma-lalate tayo, at nakakapagod bumaba sa hagdan. May pasok tayo, Dwight," giit ko.

"Are you sure you can do it? Kaya mo na ba?" nag-aalala niyang tanong.

Nginitian ko siya. "Kakayanin ko. Isa pa, nandiyan ka naman, eh."

Ngumiti rin siya. "Then let's go. I'll be by your side, no matter what."

Pumasok na kami sa loob. Walang ibang tao at sobrang tahimik. Pagtapak pa lang namin ay nakaramdam na agad ako ng kaba. Mukhang nahalata naman iyon ni Dwight kaya mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"It's okay, Love. Just stay calm."

Huminga ako ng malalim at pumikit nang sumara na ang elevator. Malakas ang kabog ng dibdib ko at nanlalamig na ang aking mga kamay. Bigla akong niyakap ni Dwight at hinalikan sa noo.

"I'm here, Sally. Just breathe. Mabilis lang 'to."

Medyo kumalma ako dahil sa kaniya. Pero nandoon pa rin ang kaunting kaba. Hindi nagtagal ay bumukas na ang elevator. Mabilis kaming lumabas roon.

"You did it," nakangiting sabi ni Dwight at hinalikan ang magkahawak naming kamay. "I'm so proud of you."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat, Dwight. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka."

Ngumiti siya at niyakap ako pabalik. Ilang sandali pa ay umalis na kami roon at nagtungo sa parking lot. Kay Mang Damian ako sumakay at siya naman ay sa sarili niyang sasakyan.

- - -

Abala ako sa pagsulat ng mga notes na pinahiram nina Coleen at Crystal. Kasama ko silang dalawa ngayon sa library. Wala kaming pasok sa subject namin ngayon kaya dito na muna kami nagpunta habang naghihintay sa kasunod na subject. Habang nagsusulat ako ay sila naman ay abala sa pagbabasa. Nag-rereview na sila para sa finals.

Expelled na si Aya dahil sa mga pinaggagawa niya sa akin kaya mapayapa na kami. Gusto ko nga sana siyang kausapin pero hindi ko naman alam kung saan siya hahanapin at wala rin akong oras. Ang dami kong kailangang habuling lessons nang dahil sa kaniya.

Nangawit na ang mga kamay ko sa kakasulat kaya tumigil muna ako at isinubsob ang mukha sa mesa. Napatingin naman sa akin ang dalawa at binitiwan rin ang mga hawak na libro.

"Nakaka-stress," ani Coleen at sumubsob rin sa mesa.

Mahina namang tumawa si Crystal. "Super. Pero ayos lang. Pagkatapos ng exams, sembreak na. Makakapagpahinga rin tayo," aniya at sumandal sa kaniyang upuan.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon