Chapter 42: Outing

32 2 0
                                    

Chapter 42: Outing

"Hey, you okay?"

Napakurap ako at nilingon si Dwight na nagmamaneho.

"Ha? Ah, oo naman," saad ko at pilit na ngumiti.

Alas-singko pa lang ng umaga. Papunta kami ngayon sa bahay nina Traver. Minivan nila ang gagamitin namin papuntang Don Rico para sama-sama kami sa iisang sasakyan. Doon na rin kami sa kanila magtitipon-tipon.

"Are you sure? Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Dwight at sumulyap sa akin.

"Wala lang," saad ko at diretsong tumingin sa kalsada.

Ang totoo niyan, kagabi pa ako binabagabag ng sinabi ni Aya. Hindi ko na naabutan si Dwight sa condo nang umuwi ako. Ginabi na rin kasi ako dahil sa traffic. Hindi ko pa nai-kuwento sa kaniya ang nangyari at hindi ko rin naitanong ang tungkol sa sinabi ni Aya bago siya umalis.

Naisipan kong sabihin na ang tungkol sa nangyari kahapon. Tumikhim ako at bumaling sa kaniya.

"Kamusta 'yung party kagabi?" panimula ko.

"What?" aniya at bigla akong nilingon.

"'Yung party ng kaibigan mong kinukulit ka? 'Yung pinuntahan mo kagabi?"

"Oh," aniya at tumikhim. "It was better than I expected. But I didn't stay long."

Napatango ako.

"Nagkita nga pala kami ni Aya kahapon sa mall. Nagkausap kami," sabi ko.

"What?" hindi makapaniwala niyang sabi at muli akong nilingon.

"Wala siyang ginawang masama. Sa katunayan, humingi siya ng tawad sa ginawa niya at pinatawad ko na siya. Nagkabati na kami, Dwight."

"Naniwala ka sa kaniya? Sally, you know her! How can someone like her feel sorry for what she did? Paano kung may binabalak---" hindi ko na siya pinatapos.

"Pinagsisihan niya na ang nagyari, maniwala ka sa 'kin. Basta nagka-ayos na kami. Huwag na nating palakihin ang usapan," saad ko.

Kung puwede ko lang sanang sabihin sa kaniya ang kondisyon ni Aya para mas maliwanagan siya, ginawa ko na.

Kunot-noo niya akong tiningnan. "Ikaw lang naman ang iniisip ko. I'm just worried about your safety, Sally. Why do I feel like I'm the bad guy?"

Natigilan ako. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Ayaw ko lang naman na mas humaba pa ang usapan dahil wala siyang alam at hindi ko rin puwedeng sabihin sa kaniya ang lahat.

"Sorry na, Dwight. Alam ko naman 'yon, eh."

Napabuntong-hininga siya at hindi na umimik. Napakamot ako sa ulo. Nagtampo tuloy!

Naalala ko ulit ang sinabi ni Aya tungkol kay Dwight at Mia. Kating-kati na akong magtanong at malaman ang totoo ngunit hindi ko naman alam kung ano'ng sasabihin at paano ko sisimulan. Paano kung mag-away na naman kami? Paano kung may malaman akong hindi ko gustong malaman?

Pinili ko na lamang na manahimik. Wala ring may nagsalita sa amin hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Traver.

"Look who's finally here!" sabi ni Crystal.

"Oh, kumpleto na tayo!" saad ni Dylan.

Kami na lang pala ang hinihintay. Agad akong lumapit sa kanila samantalang si Dwight ay kinuha ang mga gamit namin.

"Sorry, hindi namin alam na kami na lang pala ang kulang. Handa na ba ang lahat?" tanong ko.

"Yup, kanina pa," sagot ni Coleen.

Gays over Flowers (Under Editing and Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon