8 Y E A R S L A T E R
"Busy ako," sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa laptop.
"Oh my gosh, Sally! Puro ka na lang work. Tatanda kang dalaga niyan!" maktol ni Coleen.
Inangat ko ang tatlong makakapal na folders na nakapatong sa mesa ko. "Kita mo 'to? Kailangan kong matapos lahat ng 'to ngayong araw. Huwag mo akong guluhin."
"See, ang sungit mo na! Sign na 'yan ng matandang pagdadalaga," madrama niyang sabi.
Inirapan ko siya. "Bakit ba kasi ako ang kinukulit mo? Nasaan si Dylan?"
"Busy sila ni Traver sa site. Saka nag-cool off muna kami," simple niyang sabi at umupo sa sofa ng opisina ko.
"Naka-ilang cool off na ba kayo ngayong buwan?"
Napasinghap siya. "Hey, isa pa lang! Last month kaya 'yung last!"
"Ang drama niyong mag-jowa," saad ko at umiling.
"At least may jowa."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Layas, nandidilim paningin ko sa 'yo."
Tumayo siya at agad na lumapit sa akin. "Hehe, joke lang naman, e! What's wrong with being single? Hashtag, love yourself!"
Napairap na lang ulit ako.
"Sige na kasi, pleaseee!" pagmamakaawa niya. "Kung wala lang business trip si Crystal siya na ang sinama ko. Si Aiden naman busy sa opening ng bagong branch ng coffee shop niya. Ikaw lang talaga ang available. And malay mo, doon mo mahanap si Mr. Right!"
"Hindi ako naghahanap," sagot ko. "At hindi nga ako available. Huwag ka na lang kasi pumunta."
"Mamayang gabi pa naman 'yung party! Saka, I told you na he's a really important person. Imagine the number of costumers he'll bring kung pumayag siyang maging model ng brand ko! Kung hindi ako um-attend sa party niya, baka tumanggi siya! All my dreams will get crushed!"
Napabuntong-hininga ako. "Madami pa namang ibang guwapo at magandang model diyan. Hanap ka na lang ng iba."
"He's Toni Davis, Sally! Sino pang iba ang sinasabi mo? Isa pa, siya na mismo ang nag-offer, I can't just let this opportunity pass!"
Napairap na naman tuloy ako. Hindi naman sobrang guwapo ng Toni na 'yan. Hindi ko alam ba't siya sumikat. Porket may lahi at abs, e.
"Gusto ka no'n, hindi 'yon tatanggi," saad ko.
"I know but sorry for him, engineer ang hanap ko," tukoy niya kay Dylan. "At kaya nga nagpapasama ako, 'di ba? Awkward! Kung hindi lang talaga para sa clothing line ko, hmp!"
"Oo na, oo na!" pagpayag ko na lang. Hindi niya rin naman ako tatantanan.
"Yey! Wala nang bawian, ah?"
"Oo nga," irita kong sabi. "Alis na, tatapusin ko na 'tong mga 'to."
"Okay, see you later! Susunduin kita sa condo mo."
Tumango na lamang ako at pinanood siyang lumabas ng aking opisina. Nang maiwan ako mag-isa ay nabalot na ulit ng katahimikan ang silid. Napabuntong-hininga ako at bumalik na sa pagta-trabaho.
- - -
"Ingat po kayo, Ma'am Sally."
Nginitian ko ang guard at umalis na ng building. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang pasado alas-sais na ng hapon. 10 o'clock pa kami pupunta sa party kaya marami pa akong oras.
Dumiretso ako sa parking lot at nagmaneho papunta sa bagong branch ng A's Den, ang coffeeshop ni Aiden. Kanina pa nagsimula ang opening. Hindi naman magtatampo 'yon dahil hindi kami um-absent sa mga naunang opening niya. Maski siya nga ay minsan wala.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Teen FictionIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...