Chapter 47: Visit
"Okay ka lang, Sally?"
Nilingon ko si Crystal. "Ha?"
Tumingin ako sa harapan sa pag-aakalang may sinabi ang prof namin o ano pero nakatalikod lamang ito at abala sa pagsusulat sa white board.
"Sabi ko, okay ka lang ba? Tulala ka diyan, e."
"Ah, oo naman," umayos ako ng upo at ngumiti.
Tumango na lamang siya at itinuon ang atensyon sa harapan. Gano'n rin ang ginawa ko pero kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang makinig. Lumilipad lamang ang isip ko papunta kay Dwight, sa mga magulang niya, at sa nalalapit na Sabado kung kailan ko sila makikilala.
Apat na araw pa iyon mula ngayon pero kinakabahan na ako.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang klase. Lunch break na namin ni Crystal at naisipan naming dumiretso sa hideout. Tahimik lamang kaming naglalakad nang biglang mahagip ng mga mata ko si Mia. Medyo malayo siya sa amin at may kausap siyang mga babae. Matagal ko na siyang gustong kausapin ng personal pero hindi ko alam saan siya hahanapin. Hindi ko rin siya nakita kaninang umaga.
Agad akong tumigil sa paglalakad at nilingon si Crystal. "Mauna ka na, may kakausapin lang ako."
Nagtataka niya akong tiningnan ngunit hindi na siya nagtanong at tumango na lamang. Naghiwalay na kami ng landas. Binilisan ko ang lakad ko papunta kay Mia dahil baka bigla siyang mawala.
"Mia," tawag ko nang makalapit ako sa kaniya. Hindi niya ako agad napansin dahil abala siya sa mga kausap niya.
Mukhang nagulat siya nang makita ako. May sinabi siya sa mga kasama niya kaya nagsialisan ang mga ito. Kumaway pa siya sa kanila bago ako nilingon.
"What?" nagtataka niyang tanong.
"Kailangan nating mag-usap," seryoso kong sabi.
Tumaas ang kilay niya. "Hindi pa ba tayo nag-uusap?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siya o akala niya ay wala akong alam at naguguluhan talaga siya. Pero kahit na. Hindi ba siya nakokonsensiya? O maski nahihiya na man lang? Ikakasal siya sa boyfriend ko at higit sa lahat, magpinsan kami! Wala lang ba iyon sa kaniya?
"Tungkol 'to sa kasal niyo ni Dwight."
Nanlaki ang mga mata niya ngunit mabilis rin siyang nakabawi. Nginitian niya ako na tila ba wala lang ang sinabi ko. "So you already know? Sa wakas sinabi niya na rin sa'yo."
Napasinghap ako. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. "Ginusto mo ba 'to?"
Nawala ang ngiti sa mga labi niya at bigla siyang sumeryoso. "I don't see any reason to lie to you. Yes, ginusto ko. In fact, I suggested it to my father."
Hindi makapaniwala ko siyang tiningan. Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa galit. Gusto ko siyang sugurin pero ayokong gumawa ng eskandalo.
"Bakit mo ginawa 'yon? Alam mong may relasyon kami ni Dwight! Paano mo nagawa sa 'kin 'to? Anong klase kang pinsan?" singhal ko.
Natawa siya ng sarkastiko. Mistulang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"First of all, bago pa naging kayo, sinabi ko na sa'yong gusto ko si Dwight. You have no right to question what kind of cousin I am because you're just as worse," nagpipigil niyang sabi. "Second, sinabi ko na rin sa'yo noon na gagawin ko ang lahat para makuha siya. I meant what I said. Akin si Dwight, Sally. You don't deserve him."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kusang lumipad ang palad ko papunta sa mukha niya. Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa akin.
Narinig ko ang singhap at bulungan ng mga tao. Mukhang marami ang nakakita sa ginawa ko. Hindi ko na sila pinansin at tiningnan ng masama si Mia.
BINABASA MO ANG
Gays over Flowers (Under Editing and Revision)
Novela JuvenilIsang mabait, masipag, matali---magandang Sally Anne Manificio ang pag-aagawan ng dating love birds na sina Dwight Emerson Frederick at Aiden Clyde Smith. Ang kaso, maarte--este--ayaw ni Sally sa mga bakla. Naiisip niya pa lang na naghahalikan dati...