CHAPTER 2

6.8K 106 4
                                    

Makalipas ang isang linggo.. araw ng kasal...

"Dito ka lang huwag kang aalis. magtutuos tayo mamaya"

mariin at ma-awtoridad na wika sakin ng lalaking ikakasal sana bago nito tuluyang hinabol ang kaniyang bride na nag-walk out dahil sa galit marahil sa kaniya. ibig ko nalang manigas dahil sa takot kong nadarama ngayon at hiyang hiya na din ako sa aking kinakatayuan dahil sa mga ilang pares ng mga mata na nakatingin sakin.

"hi... k-kamusta? hello po.. pasensiya na po sa ginawa ko.."

sabi ko nalang sa mga taong nasa simbahan habang naghihintay ako ng parusa ko galing sa lalaking nagawan ko ng kasalanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

sabi ko nalang sa mga taong nasa simbahan habang naghihintay ako ng parusa ko galing sa lalaking nagawan ko ng kasalanan. nakakainis! kung bakit ba naman kasi ganito ang kailangan ko pang gawin para makapag bayad ako ng utang na loob ko?

speaking of utang na loob.. nasaan ang ina ng groom?

muli kong inilibot ang mga mata ko sa paligid at yun nga agad ko namang nakita ang ina ng lalaki. nang magtama ang mga mata namin. kitang kita ko sa hitsura nito ang kakuntentuhan sa ginawa ko at para bang sinasabi niyon na nagandahan siya sa drama ko.

diyos ko ang hirap naman ng buhay na ito. kung hindi ko lang talaga kailangan para sa tatang ko e tiyak hinding hindi ako gagawa ng ganitong bagay.

huminga ako ng malalim at muli ay sinulyapan ko si mrs. costales. tinignan ko muna siya sandali hanggang sa napagdesisyunan ko ng lumabas ng simbahan. oo kailangan ko ng lumabas dahil feeling ko masusunog na ako dahil sa kasalanang nagawa ko.

habang nagmamadali na nga akong naglalakad palabas ng simbahan. maya maya ay parang gusto ko uling bumalik sa loob dahil nakita kong pabalik na ngayon ang lalaking dapat ikakasal. marahil hindi nito nahabol ang kaniyang bride at base sa hitsura nito ngayon mukhang hindi sila nagkaayos ng fiance nito. kunsabagay paano ba sila magkakaayos ng bride nito pagkatapos kong sinabi na buntis ako at magiging daddy na siya.

"oh lord kayo na po ang bahala sakin"

natatakot at mahinang usal ko habang papalapit ng papalapit ang groom sakin. nakakatakot ang tingin nito ngayon habang nakatingin sakin at dahil dun para bang gusto kong sabihin sa kaniyang hindi ko sinasadya at ginusto ang nangyari. na ang may pakanan ng ginawa ko ay walang iba kundi ang ina niya at napilitan lang akong gawin ang ginawa ko para lang sa tatang ko na kailangan kong sagipin sa kaniyang sakit para mabuhay pa siya.

"h-hi k-kamus---"

"halika sumama ka sakin at magtutuos tayo!"

galit na sansala sakin ng lalaki sabay hinablot niya ako sa aking braso palabas uli ng simbahan. sa klase ng pagkakahawak nito sa kamay ko ay ibig kong masaktan talaga dahil para bang sinasadya nitong higpitan ang pagkakahawak sakin para maramdaman ko ang galit niya.

habang kinakaladkad niya ako papunta sa kung saan, nang tignan ko siya. in fairness kahit galit ang histura niya hindi ko maiwasang mamangha dahil sa kaguwapuhan niya.

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon