CHAPTER 31

2.8K 43 6
                                        

Hinihingal nalang kami pareho ni janus pagkatapos naming maihiga ang lasing na si chance sa kama. halos wala na sa pagkakaayos ang buhok ko ngayon pati na ang damit ko dahil sa pag-alalay namin ng kapatid ko sa kaniya.

diyos ko ang bigat! ilang kilo kaya si chance?

"sige na janus iwanan mo na kami ni chance dito at ako na ang bahala sa kaniya. magpahinga ka at matulog kana dahil may pasok kapa bukas"

sabi ko sa kapatid ko nang matapos nga naming maisaayos si chance ng higa sa kama.

"okay sige ate ikaw na ang bahala kay kuya chance, magpapahinga na ako at medyo sumasakit na din kasi ang ulo ko dahil sa nainom ko e"

daing ng kapatid ko sa huli sabay sinapo nito ang nananakit niyang ulo.

inismiran ko naman si janus.

"e ikaw ba naman kasi. ang kulit-kulit mo din. sinabi ko na nga sayo na huwag kang iinom dahil may pasok kapa bukas pero sumige kapa din. ang tigas din ng ulo mo e"

panenermon ko pa sa kapatid ko at napakamot nalang siya sa kaniyang ulo.

"e ate alam mo namang pinilit lang ako ni kuya uge diba? hindi sana ako iinom talaga kaso---"

"e kaso nagpauto kapa din sa kaniya.. alam mo naman yung si uge. sadyang saksakan din ng kulit yun. kahit hindi puwede ipinipilit. kaya nga yung nanay niyang si tita edelyn e lagi ng natutuyuan ng matris at hina-high blood kung minsan dahil sa kakulitan niya. haay! naku ano ba ito? puro kayo mga lasing! sige na umalis kana at ako na ang bahala dito kay chance"

pagtataboy kong muli dito kapagkuwan at umalis na nga ang kapatid ko.

nang kami nalang ni chance ang nasa kuwarto ko, marahas nalang akong napabuntong hininga habang ako ay nakapamaywang at nakatingin lang sa kaniya.

muli ay inayos kong muli sa kaniyang pagkakahiga si chance maging ang suot nitong damit na nawala na din sa ayos dahil sa pagbuhat namin sa kaniya ni janus.

habang inaayos ko siya. sumulpot naman sa kuwarto ko ang tatang ko.

"oh ano ng nangyari diyan kay chance? mukhang nalasing ata ng sobra yang asawa mo ha. madaming nainom."

tanong at komento ng ama ko na nasa bungad lang ng pintuan ng kuwarto ko.

"oho nga e tatang lasing na lasing. sinabihan ko na nga kanina sila tito at sina uge na huwag masiyadong patitirahin ng alak si chance kaso heto ang nangyari nilasing pa din talaga nila"

reklamo ko at wala sa sariling napakamot nalang ako sa aking ulo.

"hindi kana nasanay sa mga pinsan mo at tiyuhin mo e alam mo naman ang mga yun. mga hari at prinsipe sila ng alak. sila yung klase ng taong hindi yata mabubuhay kung walang alcohol na nananalaytay sa mga dugo nila. at saka sa kulit din ng mga yun. hindi sila mahi-hindi-an basta-basta ng asawa mo.. ay siya sige na ikaw na ang bahala diyan at magpapahinga na din ako ha. bahala kana diyan sa asawa mo at matutulog na ako"

paalam ni tatang sakin sa huli at napapailing na lang nang siya ay umalis.

ako naman, muli nalang akong napabuntong hininga ng tignan ko si chance at inayos ko uli siya ng kunti sa kaniyang pagkakahiga.

nang akmang aalis na sana ako upang kumuha ng pangbanyos sa katawan nito, nagulat na lamang ako nang pigilan ako ni chance sa kamay ko.

shucks, gising pa pala siya?

"jenny... saan ka pupunta?"

ungol ni chance nang ako ay pigilan niya.

"a-alis lang ako saglit. kukuha lang ako ng pang-banyos mo para mahimasmasan ka naman ng kahit kunti diyan sa kalasingan mo, sandali lang ako.."

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon