Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kasalukuyan akong nasa terrace nag-re-relax at naninigarilyo nang sumulpot na naman ang makulit na babae. jeez! hindi ba talaga ako tatantanan at hahayaan ng babaeng ito na makapag-relax ng kahit saglit man lang sa kakulitan niya?
"Hi Daddy! gusto mo ng kape? mainam yun para sa hang over?"
kay laki ng ngiting alok na naman nito sakin at para bang wala lang talaga dito ang pagsusungit ko sa kaniya.
"no thanks, ayoko ng hot coffee. at saka ilan beses ko bang sasabihin sayong hindi ako masiyadong umiinom ng kape dahil minsan kapag umiinom ako nun ninenerbyus ako"
sabi ko at sa totoo lang nakukulitan na ako sa panay alok nito ng kape sakin na siya naman lagi kong tinatanggihan kanina pa dahil hindi puwede sakin ang laging nagkakape.
anyway, napangiwi naman ang babae sabay kagat sa dulo ng kaniyang daliri bago siya nagsalita.
"ay oo nga pala nakalimutan ko. uhmmm... kung hindi ka talaga puwede sa kape. gusto mo bang kumain nalang ? masarap yung adobong niluto ko kanina---"
"im sorry din pero ayokong kumain. wala akong gana.. kung meron man akong gusto ngayon. yun ay ang sana naman umalis kana dahil nakukuliling na ang utak ko sa kakulitan mo---"
"e ilan beses ko din bang sasabihin sayo na kahit pa anong gawin mo hindi mo talaga ako mapapaalis dito sa bahay mo. kailangan kong mapatunayan sayo na anak mo itong batang dinadala ko at kailangan mo muna akong pakasalan bago mo ako mapauwi samin sa pangasinan"
marahas ko nalang na naihilamos ang mga palad ko sa mukha ko at hindi nalang ako nakipag-argumento o ang umimik pa sa sinabi nitong yun dahil sasama lang lalo ang mood ko at sasakit ang ulo ko.
"puwedeng mag-request?"
maya maya ay tanong sakin ng makulit na babae at humithit naman muna ako sa sigarilyong hawak ko bago ko ito sinagot.
"ano naman yun?"
"puwede bang pakipatay mo na yang yosi mo kasi naamoy ko yung usok niya e. makakasama yan kay baby. okay lang ba?"
mataman at seryoso ko muna itong tinignan ng ilang segundo sa request nitong yun bago ko sinunod ang gusto nito.
oh god, pati ba naman paninigarilyo ko pakikiilamanan din niya? kunsabagay buntis nga pala siya. makakasama sa dinadala niya ang usok ng sigarilyo kaya kahit ayokong sundin sana ang gusto nito e sinunod ko pa din alang alang sa batang nasa tiyan niya.
"oh ayan satisfied?"
sabi ko matapos kong patayin ang sigarilyo ko. tuwang tuwa naman ang makulit na babae sa ginawa ko.
"salamat daddy, kahit paano pala e may pagkamasunurin ka din"
natutuwa nitong sabi at hindi nalang uli ako umimik.