CHAPTER 46

3.3K 51 0
                                        

Ibig kong mamangha nang kami ay makapasok ni chance sa kanilang malaking bahay. in fairness mayaman nga talaga ang pamilya nila. kaya naman pala sisiw lang kay mrs. costales ang magbayad ng sobrang laki sa pagpapagamot ng tatang ko e may kaya naman pala talaga sila.

haaay.. speaking of my tatang sana nasaan man siya ngayon masaya na siya.

"Hey, are you okay?"

tanong ni chance nang mapansin niyang naging malungkot ang hitsura ko dahil uli sa tatang ko at habang naglalakad kami ngayon papunta ng garden kung saan naroon ang ina niya.

"okay lang ako, medyo nalungkot lang akong bigla dahil naaala ko uli ang tatang ko"

pag-amin ko kay chance at huminto naman siya sa kaniyang paglalakad at hinarap ako.

"huwag ka ng malungkot. alam mo sigurado ako, nasaan man ang tatang mo ngayon masaya na siya saka sigurado din ako na hindi mo man siya nakikita na ngayon, nandiyan pa din siya sa tabi ninyong magkapatid, binabantayan niya kayo."

"alam mo yan na nga lang din ang iniisip ko palagi e. hindi man namin siya nakikita na ngayon ni janus, alam naming magkapatid na palagi lang nasa tabi namin si tatang at binabantayan niya kami"

sabi ko sabay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

ngumiti naman sakin si chance at sa ngiti niyang yun, kagaya ng dati. parang biglang gumaan uli ang pakiramdam ko.

haaay ano nalang kaya ang gagawin ko kung wala si chance sa buhay ko?

anyway, ngayon ay muli naming tinutungo ni chance ang garden kung saan naroon ang mama niya. nang makarating kami dun nakita namin si mrs. costales na abalang nagmamando sa dalawang katulong na kasama nito sa paghahalaman.

"ma..."

pukaw ni chance sa kaniyang ina.

"oh hi chance hijo nandito na pala kayo.."

kay laki ng ngiting salubong ni mrs. costales nang makita niya kami ni chance sabay bineso-beso ang anak.

"hi jenny kamusta kana?"

pangangamusta naman sakin ng ina ni chance at nang akmang makikipagbeso-beso din sana siya sakin. napatili nalang siya nang sa hindi inaasahan tumalon si kero-keroppi sa kaniyang dibdib.

nagkukumahog naman kami ni chance sa paghuli sa palakang bukid na nasa dibdib pa din ng kaniyang ina at nang makuha na nga namin si keroppi, doon lang medyo kumalma ang matandang chucky doll.

"oh my god jenny! bakit ba may dala-dala kang palaka sa bahay ko ah? baka manganak pa yan dito?"

nandidiring bulalas at medyo natitilihan pa ding tanong sakin ni mrs. costales ngayong hawak ko na uli ang palakang bukid.

"huwag po kayong mag alala si mrs. costales hindi pa naman ho kabuwanan ni keroppi ngayon kaya hindi pa siya manganganak. kung manganganak man po siya baka doon na po samin sa pangasinan"

saad ko at parang gusto ko ding matawa dahil sa takot na nasa hitsura ng ina ni chance ngayon. haaaay may pinagmanahan pala si chance. takot din pala ang kaniyang mama chucky doll sa palaka.

"w-what? ano bang sinasabi mo diyan? paano mo naman nalamang buntis ang palakang yan ha at saka bakit ba may dala kapa niyan, itapon mo na yan please pero huwag dito at baka dito pa yan magkalat ng lagim sa mansion ko, goodness!"

"ma, hindi puwedeng itapon ni jenny si keroppi dahil alaga ho niya yung palaka."

sa halip ay sagot ni chance sa ina imbes na ako ang sumagot.

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon