CHAPTER 6

4.8K 72 3
                                        

"WHAT?! Bakit mo hinayaang makaalis si chance? hindi ba't sinabi ko sayo na huwag na huwag mo siyang hahayaang puntahan niya yung fiance niya?!"

galit na galit na bulalas sakin ng ina ng lalaking masungit na nasa kabilang linya. kanina nang hindi ko naabutan ang lalake sa elevator, nagmamadali akong bumaba gamit ang hagdanan ng condominium para habulin siya ngunit sadyang nakatakas na talaga siya sakin at hindi ko na siya naabutan pa.

pagkatapos nga nun, agad kong tinawagan si mrs. costales upang ipaalam ang nangyari at heto nga ako ngayon sangkatutak na sermon ang inabot ko sa kaniya.

"mrs. costales pasensiya na talaga. e kasi naman yung anak ninyo na si... na si... ano na nga ho uli ang pangalan nung anak ninyo?"

"chance---"

"oh yun si chance... in fairness ang guwapo din ng pangalan niya ha.. saka isa pa ang weird lang din e noh mother earth. isang linggo na simula nung nagkakilala tayo at ilang oras naman kanina na nagkasama kaming dalawa nung anak ninyo e ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya. anyway, so yun nga mrs. costales ginawa ko na ho ang lahat ng magagawa ko kanina para pigilan yung anak ninyo at kulang nalang yakapin ko talaga yung pintuan kaso nakatakas pa din siya sakin e---"

"e di sana pinilit mo siyang habulin!"

"sinubukan ko nga ho kaso pagdating ko sa labas ng building ng condo unit niya wala na talaga si... si ano.. hayun si chance.. wala na ho yung anak ninyo.. e hindi ko naman po puwedeng hayaan na nakabukas lang yung unit niya para hanapin at sundan ang anak ninyo. baka manakawan ho siya"

paliwanag ko at narinig ko nalang ang galit na pagsigaw ng matanda sa kabilang linya at para na akong mabibingi sa lakas nun. napangiwi nalang din ako sabay inilayo saglit ang cellphone ko sa tainga ko.

"mrs. costales ano na ho ang gagawin natin ngayon? paano ho yan?"

kapagkuwan ay tanong ko sa matandang mukhang si chucky doll nang ilapat kong muli sa aking tainga ang cellphone ko.

"ganito ang gawin mo. makinig ka. hintayin mo si chance. kahit na ano pa ang mangyari huwag kang aalis diyan at huwag kang matutulog hangga't hindi siya dumadating. naiintindihan mo?"

"ho hindi ako matutulog? e paano naman kung sa isang araw pa ho siya dumating e di doon pa lang ho ako puwedeng matulog ganun?"

"hindi ko na problema yun. problema mo na yun. look, hanggang ngayon nasa hospital pa din ang tatang mo at siyempre dahil dun, continous pa din ang gastusin ko sa pagpapagamot niya. ginagawa ko ang obligasyon ko sa inyong mag ama kaya dapat ikaw gawin mo din ang obligasyon mo. naiintindihan mo ba ako ha?!"

napakagat labi nalang ako sa sinabi ng matandang masungit na kasing sungit ng anak din niya bago ako nagsalita.

"oo mrs. costales nage-gets ko. sabi ko nga e. hindi ako matutulog hangga't hindi dumadating yung unico hijo ninyo.. diyos ko ang hirap naman ng ganitong buhay.."

mahinang sambit ko sa huli at parang narinig naman yun ng matanda.

"anong sabi mo? may sinasabi kaba diyan ha?"

"ho? ah e wala ho. ang sabi ko e sige hihintayin ko nalang yung anak ninyo kahit pa anong mangyari. bumagyo man o lumindol at gumuho itong building na ito. hindi ako aalis dito at hindi din ako matutulog"

"good! akala ko nagrereklamo kana e. sabihin mo lang at ikaw din magiging miserable uli ang buhay ninyong mag ama"

pananakot na naman sakin ng matandang ginang at kahit pa man sabihing nasa kabilang linya siya. kinutus kutusan ko ang cellphone ko at binelatan yun na akala mo ay yun ang matanda.

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon