CHAPTER 51

3K 38 3
                                    

JENNY...

"Sige po tita marge ako na ho ang bahala kay chance. salamat ho sa tulong"

wika ko sa tita ko nang maihiga namin si chance sa kama at dahil din sa pagtulong niya saking alalayan ito hanggang sa kuwarto ko.

"oh siya sige jenny ikaw na ang bahala diyan sa boyfriend mo ha at aasikasuhin ko din yung tiyuhin mong lasing.. hay naku ang kukulit talaga nila. sinabi na ngang huwag masiyadong maglalasing pero ano pa din ang nangyari? silang lahat lasing na lasing ngayon at tulog na tulog na.. diyos miyo oo. siya siya aalis na ako.. maiwan na kita diyan ha"

napapailing nalang na wika ng tita ko sa huli dahil sa mga kasama naming lalaki na puro lasing at tumango nalang ako sa kaniya bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto ko.

ngayong gabi. dito sa bahay matutulog sina tita marge kasama ng iba ko pang mga kamag-anak dahil sa kalasingan ng mga tiyuhin ko at pinsan kong lalaki.

lahat ng mga tiyuhin at tiyahin ko ngayon ay sa sala matutulog, ang mga pinsan ko namang lalaki at babae ay kasama ni janus sa kaniyang kuwarto na noon ay kuwarto nila tatang habang kami naman ni chance ang sa kuwarto ko.

napapailing nalang din ako ngayong pinagmamasdan ko ang lasing na si chance. alam ko naman kung bakit siya nagpakalasing ngayon e. yun ay dahil sa sama ng loob niya sakin tungkol sa pagpupumilit ko pa ding makapunta ng amerika at para tuparin ang pangarap ko sa lugar na yun.

huminga nalang ako ng malalim sa naiisip ko.

umalis din muna ako sandali ng kuwarto ko at iniwan si chance para kumuha ng ipang-ba-banyos ko sa kaniya dahil sa kalasingan niya.

makalipas ang ilang minuto. pagbalik ko uli ng kuwarto dala ang pambanyos ni chance, inumpisahan ko na siyang hubaran ng suot niyang pang-itaas. habang hirap na hirap ako sa pagtanggal ng suot pang-itaas ni chance dahil sa bigat niya. panay nalang din ang ungol niya sa pangalan ko at sinasambit nito na sana huwag na akong umalis pa.

naaawa nalang ako kay chance habang hinuhubaran ko siya ng damit at ng matapos kong tanggalin ang t-shirt niya, isinunod ko naman ang suot niyang pantalon hanggang sa ang natira nalang na suot ni chance ay ang boxer niya.

sa ngayon hindi na ako masiyadong naiilang na naka-expose sa paningin ko ang halos hubad ng katawan ni chance. maiilang at mahihiya pa ba naman ako ngayon e may nangyari na saming dalawa.

oo ilang beses ko ng nakita ang hubad na katawan ni chance pero kahit ganun hindi pa din nababawasan ang paghanga ko sa katawan niyang pinagpala. shucks ang ganda talaga ng mga abs at biceps oo. kaya naman sa pinagpala din niyang katawan agad akong bumigay at sinuko ko sa kaniya ang aking bataan ng ganun-ganun lang.

diyos ko po ano ba naman ito? fiance ko na nga lahat-lahat si chance, may nangyari na saming dalawa ngunit heto ako patuloy pa din ako sa pagpapantasya sa kaniya.

"hay, ano kaba naman jenny? fiance mo na nga si chance ngunit heto ka pinagnanasaan mo pa din siya.. kaloka ka.. may balak kapa atang reypin ang fiance mo kahit tulog siya.. itigil mo na nga yang mga naiisip mo at banyusan mo na ang fiance mo"

saway ko sa aking sarili dahil sa mga naiisip ko ngayong naka-expose sa paningin ko ang mga pandesal ni chance. kailangan ko ng tigilan ang makamundong pagpapantasya ko sa fiance ko ngayon dahil kung hindi, baka ma-rape ko nga siya ng tuluyan dahil sa kakapantasya ko.

imbes na magpantasya, inumpisahan ko ng banyusan si chance at habang binabanyusan ko siya, kagaya kanina panay nalang ang ungol niya, sinasambit ni chance ang pangalan ko at nakikiusap na huwag na akong umalis pa.

naaawang napahugot nalang ako ng isang malalim na hininga dahil kay chance.

ngayong pinagmamasdan ko ang mukha ni chance napapaiyak nalang din ako dahil sa totoo lang ayoko din namang iwanan siya at ayokong magkahiwalay kaming dalawa. pero kung hindi naman ako aalis at susundin ko nalang ang gusto niya sayang naman yung pangarap ko na makarating ng amerika. hindi lang naman ang pagpunta sa amerika ang gusto ko e, siyempre gusto ko din ang makapag-trabaho ako dun at ang makapag-ipon ng pera.

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon