CHAPTER 7

4.6K 70 9
                                    

"Ugh! ano ba ito? magse-seven na ng gabi wala pa din yung lalakeng yun? ano kaya ang nangyari dun? magkasama kaya sila ngayon nung fiance niya? nagkaayos naba sila kaya hindi na siya umuwi?"

marahas nalang akong napakamot sa aking ulo habang hinihintay kong dumating si chance at mag-li-limang oras na din simula nung iwanan niya ako dito sa bahay niya. hindi kaya naglalasing din yun ngayon dahil hindi niya nakausap yung fiance niya? o di kaya naman nakapag usap nga sila kaso ayaw na siyang patawarin nung babae dahil sa nalaman nitong buntis ako.

shucks, ano ba itong nagawa ko? feeling ko ang sama sama ko ngayon dahil sa mga panlolokong ginawa ko. sana naman huwag dumating ang araw na karmahin ako sa ginagawa kong ito kasi hindi ko naman ginusto ang trabahong ito kung hindi lang talaga namin kailangan ng tatang ko.

napabuntong hininga nalang ako sa huli kong naisip sabay napahawak sa kumukulo ko ng tiyan dahil uli sa gutom.

"ano ba yan? nagugutom na ako ha.."

sambit ko sabay napasulyap ako sa picture ni chance na naka-frame at nakadisplay sa sala niya. maliit lang naman yun. naglakad ako papunta dun para kunin ang kaniyang larawan at kinausap yun.

"alam mo ikaw, pinaghihintay mo din ako e noh. yung mama mo ang sabi niya sakin huwag daw akong matutulog hangga't hindi ka dumadating. e paano kung next week kapa darating? e di todas naman ako nun. biruin mo yun. isang linggo na nga akong walang tulog. stock pa ako dito sa loob ng condo unit mo. so ano yun? pinoy big brother lang ang peg? yun nga lang ang kaibahan wala akong kasama na ibang contestant. saka isa pa ha nagugutom na talaga ako. kapag hinintay pa kita hanggang sa isang linggo bago ako kumain. aba e mamatay naman ako nun. pag uwi mo dito sigurado madadatnan mo ako ditong dead-bol. hmm.. teka, siguro naman hindi masama kung hihikwat nalang muna ako ng pagkain sa kusina mo habang hinihintay kita diba.. okay lang ba sayo yun? nagugutom nako e"

pagkausap ko pa din sa larawan ni chance sabay sinulyapan ang kinaroroonan ng kusina.

dala ang naka-frame na picture ng binata. nagtungo na nga ako ng kusina para humikwat doon ng makakain. pagdating ko dun. agad kong binuksan ang refrigerator ngunit ganun na lamang ang dismaya ko nang makitang walang laman yun kundi puro alak.

"grabe ka daddy hindi ka din mahilig mag-grocery noh. kawawa itong refrigerator mo. naka-on siyang walang laman kundi puro alak. kay laki laki walang silbi. e hindi naman puwedeng alak nalang ang ilalaman ko sa tiyan ko diba? makakasama naman yun sa baby nating dalawa. baka malasing siya"

kunway sabi ko pa sa huli sabay sinulyapan ang picture ni chance na nasa mesa.

matapos nun, muli kong tinignan kung ano ang puwede kong kainin na pagkain na nasa refrigerator ni chance ngunit kahit anong halughog ang gawin ko. wala talagang puwedeng kainin dun. merong karne ng baboy na nasa freezer kaso tinatamad naman akong magluto.

sa bandang huli. isinara ko nalang ang walang silbing refrigerator at mga cabinet nalang sa kusina ni chance ang sinunod kong tignan. umaasa ako na sana naman may laman yun na puwede kong kainin.

hinalughog ko ng hinalughog ang mga cabinet ni chance ngunit sa paghahanap ko. tanging nag-iisang pancit canton lang ang nakita ko at take note, bukas na bukas din ay mag e-expired na siya.

napalabi nalang ako sa pancit canton na mag-e-expired na at yun nga, inumpisahan ko na siyang lutuin. okay na din ito kahit malapit ng mag expired kaysa naman sa magutom ako diba? mabuti nalang nagawa kong paandarin ang kalan ni chance na masiyadong moderno. sa bahay kasi namin sa probinsiya. normal lang na kalan ang ginagamit namin o di kaya naman kung minsan. di-kahoy nalang.

habang nagluluto na ako ng hapunan kong pancit canton. kinakausap ko pa din ang picture ni chance.

"hanep din itong kusina mo daddy ha.. biruin mo, may refrigerator kang kay laki-laki pero wala namang mga laman kundi beer at alak. tapos yung mga cabinet mo tanging nag iisang pansit canton lang ang meron at mag-e-expired pa bukas. in fairness ang sweet nung fiance mo. mukha atang hindi siya napapadalaw dito at hindi niya alam na wala ka ng pagkaing stock sa bahay mo. o di kaya kahit nakikita niyang wala kang pagkain na naka-stock sa refrigerator at cabinet mo e wala siyang care dun kasi nga puwede naman kayong magpadeliver nalang ng pagkain. siguro masiyado kayong busy sa buhay kaya naman wala na kayong time para mag-grocery saka yun nga. dahil dun, panay nalang ang pa-deliver ninyo ng makakain sa bahay o di kaya naman sa labas nalang kayo kakain"

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon