CHANCE...
"Jenny, yan ba ang mapapangasawa mo?"
"Jenny, ang guwapo naman niyang lalaking kasama mo. siya ba ang ama ng baby mo?"
"Hoy jenny, ang suwerte mo naman diyan sa lalaking kasama mo. sana siya ang maging kamukha ng baby ninyo!"
"uy jenny, nag-guwapo man met dayta lalaki nga kaduwam, bagik laengen!"
mga tanong at wika kay jenny ng mga taong nasa paligid namin habang naglalakad kami ngayon sa kanilang bakuran papasok sa kanilang bahay.
alright, nandito na kami ngayon sa pangsinan at jeez, hindi ko ini-expect na dito sa lugar nila jenny masiyadong liblib, medyo maingay at hindi lang yun. masiyadong sagabal sa daanan ang nagsisidamihang sampayan sa paligid nila na nagmukha na talagang uka-ukay ang kanilang bakuran.
oh god, sadyang ganito ba talaga sa kanila?
"Jenny, mga kamag anak mo ba ang mga yan?"
palihim at pabulong kong tanong kay jenny habang naglalakad kami nito papasok ng kanilang bahay.
"hindi ah, hindi ko kamag-anak ang mga yan. mga kapitbahay namin sila. sila yung mga hari at reyna ng mga pagiging tsismoso at tsismosa"
palihim at pabulong din na sagot ni jenny sakin.
"tingin ko nga. wala kasi silang pakundangan kung magsalita e. parang hindi yata marunong mahiya ang mga tao dito sa lugar ninyo"
hindi ko naipigilang i-komento kay jenny na sinang-ayunan naman niya.
"hmp! sinabi mo pa. yang mga yan. sagad na to the bones ang pagiging tsismoso't tsismosa nila. at alam mo ba, kung maari lang talaga na isangla nila yung mga kaluluwa nila sa kasamaan e gagawin marahil nila, makatsismis lang sila"
"sobra naman ata yang sinabi mo. pati kaluluwa nila idinamay mo pa"
"oo maniwala ka. promise talaga. matindi sila sa pagiging tsismoso at tsismosa.."
giit pa din ni jenny at narinig nalang namin ang pagtawag samin ng isang matandang ginang.
nakita kong nakapasok na sa loob ng bahay nila jenny ang tatang niya at kapatid niya habang sumasalubong samin ang isang ginang na ang edad ay nasa singkuwenta.
"Jenny, anak mabuti naman at nakarating din kayo. kamusta iti biyahe?"
nakangiting salubong samin ng matandang ginang nang siya ay makalapit samin ni jenny.
"ayos lang naman po tiyang. siya nga ho pala tiyang selya. siya po si chance. ah chance siya naman ang tiyang selya ko. bunsong kapatid ng tatang ko"
pagpapakilala samin ni jenny sa isa't isa ng kaniyang tiyahin pala.
"kamusta po kayo maam?"
magalang kong pagbati sa tiyahin ni jenny sabay nakipagkamay ako dito.
"maayos lang naman anak ko, salamat. mabuti at nakarating ka din dito samin sa pangasinan. siya nga pala huwag mo na akong tawaging maam. tiyang selya nalang din ang itawag mo sakin tutal magiging parte kana din naman na ng pamilya namin diba?"
ngiti nalang ang isinagot ko sa tiyahin ni jenny sa sinabi nitong huli at maya maya niyaya na niya kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay at para na din kumain ng tanghalian.
"Tamang tama ang dating ninyo, nakapagluto na ako ng tanghalian. pero sandali lang muna at ihahanda ko ang mesa. maiwan ko muna kayo diyan ha"
wika ng tiyahin ni jenny samin nang kami ay makapasok na sa bahay nila.

BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...