Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
Halos patapos na ang iniluluto kong hapunan namin ni chance nang makarinig ako ng pagbukas ng main door ng kaniyang bahay. malamang dumating na si chance. nagtungo ako sa sala upang salubungin siya at pagdating ko dun, nasorpresa nalang ako nang makita kong may dala na namang mga bulaklak si chance para sakin at hindi lang yun mukhang nag-take out pa ito ng paborito kong jollibee chicken joy.
"hi, maaga ka atang dumating ngayon?"
salubong ko kay chance.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"yah hindi kasi masiyadong ma-traffic ngayon doon sa dinaanan ko saka maaga akong lumabas ng opisina.. anyway, uhmmm.. flowers for you and of course may dala din akong favourite ninyo ng baby ko. ang pinaglilihian mong si jollibee"
nakangiting sabi ni chance sabay inabot niya sakin ang mga bulaklak at ang jollibee chicken joy na hawak niya. nakangiti ding inabot ko yun sa kaniya sabay nagpasalamat.
"salamat, nag abala kana namang ibilan ako ng mga bulaklak saka nitong paborito ko. hindi ka na sana bumili e nagluto naman ako..."
"sus, okay lang saka pinaglilihian mo yan diba? mahirap na, baka kasi maging sinto sinto talaga o kirat ang isang mata ng anak ko kapag hindi mo nakakain yung mga gusto mo"
sabi ni chance at hindi nalang ako umimik dahil sa totoo lang nagi-guilty na talaga ako sa pagiging mabait at sweet niya sakin ngayon.
haaay.. kung alam lang sana ni chance ang ginagawa ko sa kaniya. malamang isinumpa na niya ako sa galit dahil sa panloloko ko sa kaniya. sa pagpapanggap kong buntis ako at may anak siya sakin.
anyway, tinungo ko nalang uli ang kusina upang i-ayos ang mga bulaklak na ibinigay sakin ni chance at para mailagay din sa mesa ang chicken joy na pasalubong niya para sakin.
habang naghahanap na ako ng vase na mapaglalagyan ko ng bulaklak. nakita kong sinundan din ako ni chance sa kusina at sinilip niya ang ulam namin ngayong gabi na niluluto ko.
"wow, kaya naman pala ang bango ng bahay at agad akong nakaramdam ng gutom pagpasok na pagpasok ko. paborito ko pala ang niluto mo.. sarap ng ulam natin ngayong gabi ha.."
nasisiyahang wika ni chance sabay tinikman niya ang niluluto ko..
"hhmm.. sarap, alam mo kapag nakakatikim ako ng sinigang na baboy. feeling ko din kinikilig ako"
pangagaya pa ni chance sa sinabi ko sa kaniya noong nasa jollibbe fastfood restaurant kami at natatawa nalang kami nito pareho sa alaalang yun.
"sira, ikaw talaga. gayahin mo pa talaga yung linya ko ha"
komento ko at muli namang natawa si chance na napapailing.
"alam mo talaga nung time na yun, hindi ko alam kung iniinggit mo lang ba ako o ang iniinis mo ako lalo.. pero aaminin ko na. napangiti mo talaga ako that time kasi alam mo ba kung bakit? para ka kasing sira sa ginagawa mo pero sa isang banda cute ka pa ding tignan kahit asar na asar ako sayo"