CHAPTER 8

4.5K 64 3
                                        

CHANCE...

"Oh crap!"

sambit ko nang ako ay magising dahil sa ingay na nagmumula sa kusina. napagtanto kong nasa sala ako at dito na ako inabot kagabi ng sobrang kalasingan ko. oo naglasing lang naman ako kagabi yun ay dahil sa makulit na babae na kasama ko at---

"Fuck! nandito pa din siya?"

tanong ko sabay tumayo ako at agad akong napahawak sa nananakit kong sentido dahil sa hang over ko. dahan dahan akong naglakad papuntang kusina habang hawak ang medyo nananakit kong ulo. nang makarating ako dun, hayun nga ang makulit na nilalang abalang abala sa kaniyang ginagawa sa kusina ko.

"you're still here?"

kunot noo at bungad kong tanong dito at kay laki naman ng ngiti nitong sumalubong sakin.

kunot noo at bungad kong tanong dito at kay laki naman ng ngiti nitong sumalubong sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"oh hi! good morning daddy! tamang tama ang gising mo nakapagluto na ako ng breakfast. pasensiya kana kung pinakiilamanan ko na itong kusina mo ha. naisip ko kasi na magluto ng makakain para naman pag gising mo may kakainin kana. mabuti nalang may bigas ka. nakapag saing ako at saka yung natitira mong stock na karne ng baboy na nasa freezer. inadobo ko na. so ano halika na kumain kana. maghahanda na ako ng mesa. gusto mo ba ng hot coffee---"

"hindi mo pa din sinasagot ang tanong ko? bakit kapa din nandito?"

sa halip ay seryoso ko pa ding tanong sa kaniya at parang napahiya naman ito.

"shucks ha. ang akala ko pa naman matuuwa ka sa ginawa ko. ang seryoso mo naman. hindi mo man lang ba ako babatiin ng GOOD MORNING din muna bago mo ako tanungin niyan?"

nginisian ko lang ng nakakaloko ang makulit na babae sa sinabi niyang yun bago ako nagsalita.

"batiin kita ng good morning? sa tingin mo, maganda ba ang morning ko ngayong nakikita kita?"

"ay ang harsh mo naman. ipinagluto na nga kita ng almusal tapos----"

"puwede bang pakisagot nalang muna ang tanong ko. bakit ba nandito kapa at hindi kapa din umaalis?"

napalabi naman ang babae sakin bago ito sumagot.

"e kasi nga diba dito na ako titira..."

diretsahan nitong sagot at napamaang nalang ako sa kaniya.

"seryoso? dito ka talaga titira?"

"mukha ba akong nagbibiro?"

seryoso ang mukha na balik tanong din nito sakin at marahas nalang akong napahugot ng hininga.

seryoso ang mukha na balik tanong din nito sakin at marahas nalang akong napahugot ng hininga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon