CHAPTER 18

3.2K 42 1
                                        

JENNY...

Mag-aalas dose na ng gabi at hanggang ngayon hindi pa din talaga ako makatulog dahil sa mga iniisip kong problema.

problema ko kay tatang at problema ko na din sa mag-ina.

hanep na buhay ito oo, nang dahil sa nangyari sa tatang ko nagkanda-letse letse ang life ko. hindi naman sa sinisisi ko ang ama ko sa nangyayari sakin ngayon kaya lang naisip ko, kung hindi sana inatake sa puso ang tatang ko. wala sana ako sa kinalalagyan kong problema ngayon.

haay, paano na kaya ito? paano ko ba ipapaliwanag kay tatang ang tungkol sa pagbubuntis ko? sana naman kapag napanood na niya yung video'ng kumakalat ngayon, huwag siyang atakihin sa puso. hindi pa nga ako halos nakakabayad ng utang na loob ko sa mag-ina at kung aatakihin na naman siya, may dagdag problema na naman ako. huwag naman sanang mangyari ang kinakatakutan ko dahil baka mabaliw na ako ng tuluyan sa dami ng problema ko.

yung problema ko naman tungkol sa mag ina e pareho akong nakipag-deal sa kanilang dalawa. una kay mrs. costales, nakipag-deal akong magpapanggap na buntis at magpapakasal ako sa anak niya para mailayo sa fiance na ayaw niya.

yung deal ko kay chance naman. para mapapayag ko siya sa gusto kong mangyari hindi ko na siya pipilitin ang magpakasal sakin.

ang complicated lang ng buhay at sitwasyon ko ngayon diba? yung deal ko kay mrs. costales magpapakasal ako sa anak niya. yung kay chance naman hindi ako magpapakasal sa kaniya. nakakaloka! ano nalang kaya ang sasabihin sakin ni mrs. chucky doll oras na malaman niya ang deal namin ng anak niya?

malamang patay ako sa kaniya. baka mag-transform siya into chucky doll dala ang chainsaw at hahabulin niya ako para patayin dahil sa galit niya.

sa huli kong naisip, parang natakot naman ako at marahas nalang akong bumangon sa kinahihigaan kong sofa sa sala sabay marahas akong napakamot sa ulo ko dahil sa napakadami kong isipin na problema.

"nakakainis! bakit ba ganito ang buhay mo jenny? napakakomplikado! ang gulo gulo!"

naiinis kong usal sa mahinang boses at sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip ng mga problema ko dahil sa kagagawan ni mrs. costales. kung hindi lang sana niya pinagawa sakin ang evil plan niya, e di sana hindi mangyayari sakin ito ngayon.

sa isang banda tanga din naman ako kasi alam ko na ngang mali, ginawa ko pa din. pero letse talaga wala akong choice e. wala as in waley. si mrs. costales lang ang sagot sa problema ko kay tatang kaya kahit alam kong ikapapahamak ko ang gagawin ko ginawa ko na dahil kailangang kailangan ko.

bakit ba ganito? bakit ba hindi nalang ako ipinanganak na isa sa mga anak nina princess diana at prince charles ng london? nang sa ganun hindi ako namomroblema ng ganito ngayon.

haay. napabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko at muli kong naisip si mrs. costales.

speaking dun kay mrs. costales. bakit kaya hindi pa siya nagpaparamdam sakin? napanood na kaya niya yung video namin ng anak niyang kumakalat ngayon sa internet? imposible namang hindi pa niya napapanood yun? wala ba siyang facebook, instagram at twitter o di kaya naman e youtube account? yung ina ni chance bagay talaga siyang maging wattpad author. ang galing kasi talaga niyang humabi ng kuwento e noh? haaay..

anway, nasaan kaya ang matandang yun? kung sakali mang napanood na niya yung video namin ni chance na trending ngayon sa social media. may naisip na kaya siyang solusyon para sa kumaklat naming video na yun? baka may naisip din siyang paraan para mapigilan sa pagkalat ang video na yun?

marahas nalang uli akong napakamot sa aking ulo at naisip ko si chance. tulog na kaya siya ngayon? ano kaya kung makipag usap ako kay chance? baka naman gising pa siya? hindi naman siguro siya magagalit kung makikipag-talking talking muna ako sa kaniya hanggang sa dalawin ako ng antok.

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon