CHANCE...
"Uhg, damn it!!!!"
naiinis kong pagmumura nang masugatan uli ang mga kamay ko dahil sa paglilinis ng isda. nandito ako ngayon sa likod ng bahay nila jenny sa may gripo at halos magkakalahating oras na akong naglilinis ng mga isda e nakakatatlo pa lang ako. jesus christ! sa sobrang bagal ko baka naman next year pa ako matapos nito.
alam ko naman kung bakit pinapagawa sakin ng tatang ni jenny ito ngayon e. yun ay dahil para pahirapan ako sa nagawa ko sa anak niya. wala siya sigurong pakiilam kahit mamaga pa ang mga kamay ko ngayon sa sugat dahil sa paglilinis ng mga isdang ito. naisip siguro niyang kahit dito man lang e makabawi siya dahil sa biglaang pagbubuntis ni jenny dahil sakin.. yeah right dahil sakin.. ang weird ko talaga ngayon. kailan lang ay todo tanggi ako at hindi ko matanggap na anak ko ang dinadala ni jenny pero ngayon nasasabi ko ng anak ko ang batang nasa tiyan niya kahit pa man wala pa akong nakikitang resulta ng paternity test na sakin nga ang baby'ng yun.
jeeezz, ano ba ang nangyayari sakin? bakit ba nagkakaganito ako ngayon? bakit din ba sa tuwing maririnig ko din ang pangalang matteo naiirita ako?
"fucking FISH of shit! ughhhh! ang sakit na ng kamay ko!"
muli ay naiinis kong pagmumura dahil sa nasugatan uli ako.
"chance okay ka lang ba diyan ha? gusto mo bang ako nalang ang magtuloy niyan?"
alok sakin ni tiyang selya nang bumalik siya ng gripo para hugasan ang mga nahimay na niyang gulay at marinig din niya ang pagmumura ko sa mga pumepesteng isda ngayon sa kamay ko.
"nah okay lang po ako tiyang selya. kaya ko na ho ito"
kunway sabi ko kahit pa man ang totoo e kating kati na akong ibigay sa matanda ang mga isda at siya nalang ang maglinis dahil una, tirik na tirik ang araw dito sa kanilang gripo, pangalawa ang lansa-lansa na ng amoy ko at pangatlo, panay na sugat ang mga kamay ko ngayon at siguradong sa susunod na araw baka panay na naknak ang mga sugat ko.
pero yun nga nang dahil sa ama ni jenny at iniiwasan ko ang masermunan uli nito. hindin ko magawa ang gusto ko.
"sigurado kaba diyan chance ha? e kawawa naman yang mga kamay mo oh. panay kana sugat"
puna nito sa mga kamay kong panay na nga sugat habang naghuhugas siya ng mga gulay.
"okay lang ho ako. malayo ho ito sa bituka saka gusto ko hong patunayan sa tatang ni jenny na kaya ko hong maglinis ng isda para sa anak niya and of course para din sa magiging anak namin ni jenny..."
woah, seriously? nasabi ko yun sa matanda? oh god, ano ba talaga ang nangyayari sayo chance?
mukhang natuwa naman si tiyang selya sa sinabi ko dahil napangiti siya sakin.
"oh siya sige na nga sabi mo e. pero kung hanggang mamaya e hindi mo na talaga kaya.. tawagin mo lang ako ha"
sabi pa sakin ng matanda bago siya umalis uli at ngumiti nalang ako sa kaniya sabay tango.
makalipas ang ilang minuto si jenny naman ang sumulpot sa gripo.
"chance..."
sambit ni jenny sa pangalan ko nang siya ay lumapit sakin.
"a-ano ang ginagawa mo dito? mapapagalitan na naman ako ng tatang mo niyan e baka isipin niya pinaglilinis kita ng mga isdang ito"
puna ko kay jenny.
"e naawa kasi ako sayo e kaya naisipan ko ang pumunta dito para tulungan ka at saka--- diyos ko po chance! yang mga kamay mo puro na sugat. patingin nga!"
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...
