"Ate, ihanda mo na ang sarili mo. napanood na ni tatang ang video mo. pumunta ka daw dito sa hospital ngayon din at gusto ka niyang makausap"
nanlalaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa nabasa kong text message ni janus ngayong umaga pag-gising ko.
kay lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa nerbiyos na nadarama ko.
"letse, paano ba ito? kay aga aga bomba agad ang sumalubong sa morning ko"
sambit ko nang ako ay tumayo sa kinahihigaan kong sofa at naglakad ako papupunta sa kinaroroonan ng kuwarto ni chance. kailangan kong sabihin sa kaniya na alam na ng tatang ko ang tungkol sa kumakalat naming video. kailangang maghanda ni chance at tiyak patay din siya sa tatang ko.
"chance... chance.. gumising ka, kailangan kita..."
wika ko habang kumakatok ako sa pintuan ng kuwarto ni chance.
sinubukan kong pihitin ang seradura ng pinto upang makapasok ako sa kuwarto ni chance pero sa malas ko, naka-lock yun.
"diyos ko paano ba ito? naka-lock ang pinto. baka tulog pa din si chance at napuyat siya kagabi dahil sa tinatapos niyang trabaho. bakit ngayon pa chance? kailangan kita gumising kaaaaaaaaa... chance buksan mo itong pinto please..."
nagaalala kong saad at sinubukan ko uling kumatok sa pintuan ng kuwarto ni chance ngunit hindi talaga niya ako pinagbubuksan.
hindi kaya gising na si chance dahil sa sunod-sunod na pagkatok ko ngunit lang ayaw niya akong pagbuksan dahil alam niyang kukulitin ko na naman siya.
sa aking naisip sa huli, wala sa sariling napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sa matinding pag-aalala at frustration na nadarama ko.
napapapitlag nalang din ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko at nang tinginan ko kung sino ang tumatawag. nakita kong si janus yun. mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa pagtawag ng kapatid ko at tumuloy muna ako ng terrace bago ko sinagot ang tawag nito.
"j-janus, kamusta? anong nangyari? paano nalaman ni tatang ang---"
"jenny, ako ito ang tatang mo. ngayon din pumunta ka dito sa hospital at mag-uusap tayo"
galit na sansala sakin ng tatang ko at hindi ko alam na siya pala ang nasa kabilang linya.
"t-tatang uhmm----"
"huwag kang magpaliwanag sakin dito sa cellphone. gusto ko sa personal. hihintayin kita dito sa hospital. ngayon din pumunta ka"
mariing bilin sakin ni tatang sabay nawala ito agad sa kabilang linya.
ang hitsura ko ngayon ay mukhang takot na takot at feeling ko hihimatayin na ata ako dahil sa mga nararamdaman ko.
"oh diyos ko, tulungan niyo nawa akong makapagpaliwanag ng maayos sa tatang ko"
nai-usal ko habang ako ay nasa banyo na ngayon at nag-aayos ng sarili ko para sa pagpunta ko ng hospital. hindi ko nalang gigisingin si chance. mamaya ko nalang siya iistorbohin pagkatapos namin mag usap ni tatang.
makalipas ang mga ilang minuto kong pag-aayos sa sarili ko, nag iwan muna ako ng note para kay chance na nagsasabing may pupuntahan lang ako sandali at kinuha ko uli ang susi ng bahay nito para mai-lock ko ang pinto.
anyway, ngayong nasa may kalsada na ako. nagmamadali ako sa pagpara ng taxi at mga ilang sasakyan din ang nilampasan ako bago ako tuluyang nakasakay ng taxi.
agad kong sinabi sa taxi driver kung saan ang punta ko at nang makarating na nga ako ng hospital, mas lalong tumitindi ang kabog ng dibdib ko dahil sa nalalapit na paghaharap namin ni tatang.
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...
