JENNY...
Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ng banyo at matapos ko ding mai-lock yun. nanghihinang napasandal nalang ako sa likod ng pintuan dahil sa mainit na tagpong nangyari samin ngayon ni chance.
muntik muntikan na talaga! mabuti nalang nagawa ko pang kontrolin ang sarili ko at nagawa kong bumalik agad sa katinuan ko bago pa man mangyari samin ni chance ang hindi dapat.
"kaunting kaunti kana lang jenny, malapit na malapit na. gahibla nalang kumbaga at kamuntikan mo ng maisuko ng tuluyan kay chance ang buong bataan.. patay ka jenny oras na mangyari sa inyo yun ni chance dahil malalaman lang naman niya na virgin kapa at malalaman din niyang hindi ka talaga tunay na buntis at nagpapanggap ka lang!"
piping kastigo ko sa aking sarili dahil sa nangyari..
marahas nalang din akong napabuntong hininga at nanghihinang napasadsad nalang ako ng upo sa sahig dahil sa aking nadarama.
huminga ako ng malalim at akmang mag-bi-breathing exercise sana ako para kalmahin ang tensyong nadarama ko ngayon nang kumatok si chance sa pintuan ng banyo.
"jenny, open the door please.. we need to talk.."
hiling sakin ni chance habang kumakatok siya sa nakasarang pintuan at wala sa sariling nasabunutan ko nalang ang sarili ko dahil sa gusto niyang mangyari na kami ay mag usap.
kung maari sana ayoko pang makaharap si chance dahil sa akward na nangyari samin kanina.
diyos ko po, hindi ko lubos akalaing hahantong kami ni chance sa ganitong tagpo. hindi ako makapaniwalang nakita na talaga ni chance ang buong katawan ko ngayon at kulang nalang talaga e ang magtalik nga kaming dalawa at ibigay ko na ang buong sarili ko.
mabuti nalang talaga napigilan ko pa ang sarili ko dahil kung hindi, wala na. patay na.. lagot ako hindi lang kay mrs. costales kundi pati na din sa anak niyang si chance kapag nagkataon.
"jenny please kailangan nating mag usap, buksan mo itong pinto.."
patuloy pa din ni chance at wala akong nagawa kundi ang harapin na nga lang siya kahit na ayoko.
pero bago yun isinuot ko nalang muna ang mga damit ko kanina bago ko siya pinagbuksan ng pintuan ng banyo.
CHANCE...
"Jenny.."
sambit ko sa pangalan nito nang sa wakas ay pinagbuksan din niya ako ng pintuan ng banyo. alanganing tingin ang ipinukol sakin ni jenny na para bang nahihiya siya sakin na ewan dahil sa kamuntikan ng mangyari saming dalawa kanina.
"jenny ano ba ang nangyari? bakit bigla kana lang umalis? may nagawa ba akong mali or something na hindi mo nagustuhan ha?"
worried kong mga tanong kay jenny at akmang hahawakan ko sana siya sa kaniyang kamay. umiwas lang siya sabay nilampasan ako. sinundan ko naman si jenny sa kaniyang pag iwas na yun sakin at muli ay nasa sala kami nito.
"jenny sabihin mo nga sakin may nagawa ba akong mali?"
ulit kong tanong at huminga naman ng malalim si jenny bago niya ako sinagot.
"wala. wala kang nagawang mali chance. ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag na may mangyari sating dalawa, yun ay dahil naisip kong wala naman tayong relasyon para gawin natin yun"
dahilan ni jenny at napamaang naman ako sa kaniyang sagot.
"w-what? so ang dahilan kung bakit pala hindi mo hinayaang may mangyari sating dalawa ngayon e dahil wala naman tayong relasyon? parang ang gulo naman ata.. e bakit nung unang beses na ginawa natin yun sa hotel pumayag kang mangyari yun kahit wala naman tayong relasyon even nung time na yun?---"
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...