Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
7 pm palang ng gabi umuwi na ako sa condo ko dahil gusto kong makausap si jenny tungkol sa video naming kumakalat ngayon. hanggang ngayon talaga hindi ako makapaniwala na may viral video ako dahil sa eskandalong ginawa ng makulit na babae sa kasal ko.
that woman.. humanda talaga siya sakin oras na malaman kong hindi pala ako ang ama ng baby na dinadala niya. sinira niya ang kasal ko at ngayon palagi nalang akong namomroblema dahil sa kaniya.
marahas nalang akong napabuntong hininga sa mga naiisip ko pagpasok ko ng bahay ko at nang akmang tutuloy na sana ako sa kuwarto ko, napatigil ako sa aking paglalakad nang mapansin ko ang terrace ko sa sala na puno na ngayon ng mga damit na nakasampay.
jesus christ! ginawa talaga ng babaeng yun ang sampayan na gusto niya at nagmukha talagang ukay ukay ang hitsura ng terrace ko ngayon dahil sa kaniya and damn! pati mga damit ko pinakiilaman din niya?
wala na ba talagang hiyang natitira sa kaniyang sistema ang babaeng yun at lahat nalang ng mga gamit ko o meron ako pinapakiilamanan niya. jeez, daig pa niya ang fiance kong si martina kung makaasta. ang asal ng jenny na yun ngayon e daig pa niya ang isang asawa.
marahas nalang din akong napabuga ng hangin dahil sa inis kong nadarama at napahawak nalang uli ako sa ulo kong nananakit pa din hanggang ngayon dahil sa kakulitan ng jenny na yun.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
anyway, maya maya naglakad na uli ako upang tunguhin ang kinaroroonan ng kuwarto ko ngunit napatigil uli ako nang marinig ko si jenny na mukhang nagsusuka sa banyo.
tinungo ko ang banyo para tignan siya at hayun nga ang makulit na babae nakasubsob ang mukha sa toilet bowl at panay ang suka.
jeezz, pregnancy...
"chance"
sambit ni jenny sa pangalan ko nang matapos siyang magsuka at nakita niya akong nasa bungad lang ng pintuan ng banyo at nakatingin ako sa kaniya.
"anong nangyayari sayo? bakit ka nagsusuka? masama ba ang pakiramdam mo?"
mga tanong ko at hinagod naman saglit ni jenny ang sarili sabay huminga ng malalim bago siya nagsalita.
"m-may naamoy lang kasi akong hindi ko gusto kaya nasuka ako.. wala ito. parte lang ito ng pagbubuntis ko. ahh, siya nga pala mabuti naman at umuwi kana may sasabihin sana ako sayo e..."
nag aalalang saad ni jenny sa huli at may pakiramdam akong tungkol din sa video naming dalawa ang sasabihin nito sakin.
"ako din may sasabihin din ako sayo.."
sabi ko at napa-kunot noo naman si jenny sakin.
"ha? may sasabihin ka din sakin? tungkol saan?"
"ikaw nalang muna ang magsabi nung sasabihin mo bago ako. tungkol ba saan yung sasabihin mo?"
"ha ako ba muna? ikaw nalang ang mauna saka ako"
"no. ikaw ang naunang nagsabi ng may sasabihin ka kaya ikaw na ang mauna"