CHANCE...
"Chance hijo mabuti naman at nandito kana. ang akala ko hindi mo na ako sisiputin e"
salubong sakin ni mama pagpasok ko pa lamang ng bahay namin.
sa totoo lang kahapon pa ako tine-text ni mama na kailangan kong pumunta ngayon sa bahay namin dahil gusto daw niya akong makausap tungkol sa makulit na babae. kung maari sana ayoko munang makipag usap kay mama tungkol sa babaeng yun kaso alam kong hinding hindi niya ako tatantanan hanggang hindi ko siya napagbibigyan sa kaniyang gusto.
"alam ko ho kasing hindi kayo titigil sa kakatext o tawag sakin hanggang hindi ko kayo napagbibigyan sa gusto niyo"
diretsahan kong sagot kay mama at humugot naman siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita.
"of course son. you know me. hindi talaga ako titigil hangga't hindi ka nagpapakita sakin at nakikipag usap regarding doon sa babaeng nangulo sa wedding ninyo ni martina, well anyway kamusta kana ba?"
sabi ni mama at tanong niya sakin sa huli at kami ay nakaupo na ngayon sa sala.
"im not okay ma and.. about this woman? she's uhmmmm.. she's pregnant. 5 weeks"
balita ko kay mama at parang hindi ito nagulat sa sinabi ko sa kaniya. malamang tumawag siya sa gynecologist na kakilala niya at doon nalang niya tinanong kung buntis nga ba yung babaeng makulit.
"i know. nasabi na nga sakin ni DRA. ALVAREZ nang tumawag ako sa kaniya kahapon. kahit ako na-shock din ako sa balitang buntis nga yung babaeng tumutol sa kasal ninyo ni martina"
so tama nga ako. alam na ni mama na konpirmado ngang buntis ang makulit na babae.
"son paano nangyari yun? i mean hindi ba't may fiancee kana at mahal mo naman si martina. sino ba talaga yung babaeng sumugod at tumutol sa kasal ninyo? ano ang pangalan niya at taga saan daw siya? paano mo siya nakilala at nabuntis---"
"ma hindi ko siya nabuntis okay--"
"paanong hindi mo siya nabuntis e limang linggo na nga siyang nagdadalangtao sabi sakin ni DRA. ALVAREZ.."
"oo nga ho ma buntis nga siya pero hindi pa ako sigurado kung sakin nga yung batang yun. nagre-request ako dun sa gynecologist ninyo na kung puwedeng magpa-paternity test kaso ang sabi niya hindi pa puwede dahil masiyado pang maaga para gawin yun ngayon. kailangan ko pa hong maghintay ng isang buwan bago ko pa malaman na sakin nga yung baby na yun"
marahas nalang akong napabuntong hininga pagkatapos ng sinabi kong yun kay mama sabay napahawak ako sa sentido kong nananakit pa din hanggang ngayon dahil sa hang over ko at dahil na din sa non stop na pangungulit sakin nung babae.
"at ito pa ma. ang ipinagtataka ko lang. bakit wala akong matandaan sa ikinukuwento niya sakin na nagkita at nagkakakilala daw kami sa isang bar, nagkalasingan at pagkatpos nun hayun na may nangyari----"
"sinabi niya yun? so, paano kung totoo nga yun hijo? siyempre nang dahil sa sobrang kalasingan mo. hindi mo na maalala kung ano yung mga nangyari sa inyo nung babae"
"i dont know ma. nalilito na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit ba wala akong maalala kung may nangyari nga ba samin ng babaeng yun.."
dumaan saglit ang ilang segundong katahimikan saming dalawa ni mama at siya ang muling nagsalita.
"son paano kung anak mo nga yung dinadala niya? ano ang gagawin mo? anong balak mo?"
mga tanong sakin ni mama at huminga naman muli ako ng malalim bago sumagot.
"pananagutan ko ho yung bata ma. gagampanan ko yung pagiging ama ko sa baby namin---"
![](https://img.wattpad.com/cover/116206959-288-k409973.jpg)
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...