CHAPTER 43

3K 44 1
                                        

JENNY...

"Good morning tiyang selya.."

pagbati ko sa aking tiyahin pagdating ko ng kusina at makita ko siyang nag-a-almusal na.

"uy jenny gising kana pala, halika na at sabayan mo na akong mag almusal. tikman mo itong bagong tocino na gawa ko"

saad ng tiyahin ko at tumikim naman ako ng kunti nun habang nagtitimpla na ako ng milo ko.

"hmmm.. masarap ah.. alam mo tiyang dapat talaga gawin mong business yang pag-gawa mo ng mga tapa at tocino. tiyak na dudumugin kayo ng tao dahil masarap talaga siya"

sabi ko habang nanguya ako ng tocino na isinubo ko at nagtitimpla pa din ako ng milo.

"siya nga ho pala nasaan si janus, nakaalis na po ba siya?"

maya maya ay tanong ko kay tiyang selya ngayong nakaupo na din ako sa hapag kainan at kumakain ng almusal.

"oo maagang umalis kasi may dadaanan pa daw uli sa bayan. yang kapatid mo napapadalas ang pagdaan-daan ngayon sa bayan. pakiramdam ko mukhang may sinusundo na lagi doon na gelpren.."

"ho? si janus may girlfriend? aba't ang lokong yun ah uunahan pa talaga ako na magka-love life"

"e ikaw naman kasi. dapat bago ka umalis at iniwan mo si chance sa manila. inakit mo na sana siya para may lovelife kana din sana ngayon. sayang ang guwapo pa naman ng batang yun.. kung ako ang nasa edad mo at ganun ka-guwapo ang manliligaw sakin, naku tiyak sasagutin ko siya agad."

kinikilig at nanunudyo pang saad ng tiyahin ko ngunit muli lang akong nalungkot dahil naalala ko na naman si chance.

"hindi ako magugustuhan nun tiyang dahil sobrang maganda yung mga babaeng natitipuhan nun kagaya nalang nung ex niya. kung makikita niyo lang ay! ang ganda-ganda ni martina.. parang siya si ano.. uhmm kamukha niya si, sino nga ba yun? hindi ko maalala kung ano ang pangalan nung artistang yun... parang si... yun! si ellen adarna.. saka yung katawan, whew kasing-sexy din ni ellen.. kaya naku imposible yang sinasabi niyo sakin tiyang. hindi maakit sakin yung si chance."

"sus hindi daw maakit e di ba nga mukhang nagkakamabutihan naman na kayo nun bago kayo umalis.. ang ibig kong sabihin e para kasing hindi siya sweet sayo nung unang araw niyo dito tapos nun e yung sumunod na araw bigla nalang siyang naging honey my love so sweet sayo, ibig sabihin lang nun may nararamdaman na din siyang chuva cho cho for you"

"chuva cho cho? ano yun parang si jolina magdangal lang talaga.."

natatawang wika ko sa tiyahin ko at napapailing nalang ako.

"oo basta maniwala ka, may nararamdaman na din sayo ang chance na yun. makikita mo"

giit pa din ng tiyahin ko at tumayo na siya dahil sa tapos na siyang mag-almusal.

"nga pala ho tiyang maiba ako, si tatang nga pala nasaan? kumain na ba siya ng almusal?"

naalala kong tanong nang dalhin ni tiyang sa lababo ang pinagkainan niya.

"hayun nasa kuwarto pa din ang tatang mo. tulog na tulog. kanina nga e bago umalis si janus ginigising daw siya ng kapatid mo kaso ayaw naman daw gumising kaya umalis na si janus at hinaayan nalang matulog ang tatang ninyo"

"ho, hanggang ngayon tulog pa din si tatang sa ganitong oras? mag-a-alas siyete kinse na ho ah.. diba usually naman ang maximum na nale-late siya ng gising sa umaga e mga 6. 30. bakit ho late ata ngayon?"

kinakabahang saad ko at hindi ko alam kung bakit ba biglang ganito ang nararamdaman ko ngayon.

"e malay mo naman nasarapan ng tulog ang tatang mo--"

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon