CHAPTER 40

3.5K 63 8
                                        

JENNY...

"Tatang im sorry, im sorry po sa nagawa ko.."

Sa wakas ay pagbasag ko sa katahimikang namamagitan ngayon samin ng tatang ko.

kanina kasi nang makaalis na ang kapatid kong si janus, nagtitigan lang kami ng ama ko at nagpapakiramdaman kung sino ba saming dalawa ang mauunang magsalita.

anyway, ako na nga ang nauna at ngayon nga pinipigilan ko ang mapaluha dahil kung hindi baka hindi ko na magawang magpaliwanag pa sa tatang ko dahil nauna na ang pag iiyak ko.

huminga ng malalim si tatang bago siya nagsalita.

"Alam mo jenny, sobrang nasaktan talaga ako sa ginawa mo. hindi ko matanggap na niloko mo lang kami. ako na tatang mo. pero ngayon may na-realize ako. naisip ko na mas makakabuting pakinggan ko nalang muna yang mga dahilan mo kung bakit mo ginawa ang mga nagawa mo. at sana lang katanggap tanggap yang irarason mo.. magpaliwanag ka jenny.. sabihin mo sakin bakit mo ba talaga ginawa yun ha?"

seryosong saad ni tatang habang mataman lang siyang nakatingin pa din sakin.

huminga din ako ng malalim tulad niya at ilang beses din akong lumunok dahil feeling ko may nakabara ngayon sa lalamunan ko na kung ano dahil sa kabang nararamdaman ko.

"tatang im sorry po sa lahat ng nagawa ko. ginawa ko lang naman po yun para sa inyo. nang atakihin po kayo sa puso at dalhin ko kayo sa hospital. nang malaman ko sa mga doktor ang kalagayan ninyo. sobrang nagalala ako. nang dalhin ko naman po kayo sa manila para doon ipagamot at ipa-opera. wala ho akong ibang ginawa kundi ang maghanap ng tulong sa kung saan saan hanggang sa natagpuan ko ang donyang ikinukuwento ko sa inyo.."

pagsasalaysay ko sa ama ko at muli akong huminga ng malalim para kalmahin ang tensyong nadarama ko ngayon bago ako nagpatuloy.

"tatang hindi po totoo yung sinasabi ko sa inyong nagkakatulong ako dun sa mayamang donya para mabayaran ng unti-unti ang utang natin sa kaniya.. ang totoo po'ng nangyari, nakipag-deal ako sa kaniya na magpapanggap akong nabuntis ng anak niya at pipigilan ko ang kasal ni chance dun sa fiance niya--"

"a-ano? anak nung mayamang donya si chance?"

hindi makapaniwalang tanong ni tatang sakin at marahan naman akong tumango.

"opo tatang, mama ho ni chance ang tumulong satin para sa pagpapa-opera at pagpapagamot ninyo. para mabayaran ko ang tulong niyang yun satin, kailangan kong gawin ang deal namin. tatang hindi ko po hinihiling sa inyo na sana maintindihan niyo ako sa ginawa ko. maiintindihan ko din po kayo kung magagalit kayo sakin ngayon dahil sa nagawa ko. tatang im so sorry, nagawa ko lang naman po yun dahil mahal na mahal ko kayo at ayoko pong may masamang mangyari sa inyo"

"Jenny----"

"tatang mula pa nung mga bata kami ni janus, marami na ho kayong nagawang sakripisyo at paghihirap para saming magkapatid. at dahil dun, hindi ko kakayanin ang panoorin nalang kayong mapahamak ng wala man lang din akong nagagawa para maipagamot kayo. tatang nawala na ho si mamang satin. mga nene at totoy palang kami ni janus nung iniwan niya tayo. aaminin ko hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa tuwing maaalala ko ang ginawa niya. nasasaktan ako kapag naiisip kong lumaki kami ni janus ng wala siya at kailan man hindi na siya dumalaw pa dito para kamustahin man lang kahit kaming magkapatid sana. masakit tatang na wala na si mamang sa buhay natin kaya kung pati kayo e mawawala din samin ni janus, yun ang hindi ko kakayanin. hindi namin kakayanin ni janus tatang kapag ikaw naman ang nawala samin. im so sorry tatang sa mga ginawa ko. nagawa ko lang naman yun dahil mahal na mahal ko kayo. sana kung hindi man ngayon, balang araw mapatawad niyo din ho ako sa nagawa kong panloloko sa inyo"

umiiyak ko ng pahayag kay tatang at maging siya ay parang napapaiyak na din base nalang sa nakikita kong mamasa-masa na niyang mga mata. makalipas ang ilang segundo, nang lumapit sakin ang ama ko, ang akala ko sasampalin na niya ako dahil sa galit niya. ngunit hindi yun ang nangyari bagkus kinabig pa niya ako ng isang napakahigpit na yakap at dahil naman dun, napahagulhol nalang ako.

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon