CHAPTER 20

3.6K 40 0
                                        

CHANCE

"Oh shit!"

pagmumura ko dahil sa napaso kong ngala ngala at dahil na din sa gulat ko sa sunod sunod na pagkalabog at buzzer ng kung sinuman sa main door ng bahay ko.

dala ang iniinom kong milo, pinagbuksan ko ang taong kumakalabog ng pintuan ko at nakita kong si jenny lang pala yun.

"Jesus christ, jenny! gigibain mo ba ang pintuan ko? kung kalabugin mo e ganun nalang ha!"

naiirita kong puna dito at marahas namang napakamot si jenny sa kaniyang ulo at mukhang problemado ito.

"pasensiya kana chance ha! emergency lang kasi"

wika ni jenny nang siya ay makapasok ng bahay ko at nai-lock ko na uli ang pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

wika ni jenny nang siya ay makapasok ng bahay ko at nai-lock ko na uli ang pinto.

"emergency? bakit? sira ba ang tiyan mo at nagmamadali kang pumunta ng banyo? saka diba dala mo naman yung susi ng bahay ko, bakit kapa nag-ba-buzzer?"

"e paano ba naman ako makakapasok ini-lock mo din yung itaas. ang susing meron lang ako e yung sa ibaba---"

"jeez oo nga pala nai-lock ko nang may nag-buzzer din dito kanina. anyway mabalik tayo, bakit ba parang nagmamadali at problemado ka. anong nangyayari sayo? masakit ba ang tiyan mo?"

"hindi, hindi yun ang dahilan. ano kasi e si---- t-teka nga muna, parang ngayon ko lang napansin. ano yang iniinom mo?"

puna ni jenny sa iniinom ko sabay sinilip pa nito ang laman ng tasa ko."

"umiinom ka ng milo ko? akala ko ba ayaw mo sa sweets?"

patuloy ni jenny nang makitang umiinom ako ang milo niya at parang nahiya naman ako ngunit hindi ko ipinakita yun sa kaniya.

"so? e ano naman ngayon kung umiinom ako nitong milo mo, pera ko naman ang ipinambili mo dito diba? bawal ba?"

"so? e ano naman ngayon kung umiinom ako nitong milo mo, pera ko naman ang ipinambili mo dito diba? bawal ba?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

kunway sabi ko at umiling naman si jenny.

"hindi naman.. ang akala ko lang kasi sabi mo ayaw mo sa mga sweets.."

"puwes nagkamali ka siguro ng narinig. ang sabi ko hindi ako masiyadong mahilig sa sweets, hindi ko sinabing ayoko"

"sus, hindi daw mahilig sa sweets. sabihin mo na kasing gusto mo talaga. ayaw mo lang magpatimpla sakin kagabi. akala mo ata e gagayumahin kita. ikaw talaga, palusot lusot ka din pala pag may time"

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon