JENNY...
Alas-siyete na ng umaga ng ako ay magising dahil sa tumatawag sa cellphone ko. agad naman akong tumayo para sagutin ang kung sinumang tumatawag sakin at para huwag ding magising si chance.
"MRS. CHUCKY DOLL"
nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa sreen ng cellphone ko ang pangalan ng ina ni chance. so, siya pala ang tumatawag sakin sa ganitong oras.
sa pagtawag sakin ng mama ni chance, agad akong lumabas ng kuwarto upang huwag marinig ni chance kung anuman ang pag uusapan namin ng ina niya at para hindi din niya malaman na magkakilala kami ng mama niya.
nagtatakbo ako palabas ng bahay namin, napadpad ako sa manggahang nasa likod lang ng bahay namin at sinigurado ko na munang walang ibang taong makakarinig sakin at nakakakita bago ko sinagot ang tawag ni mrs. costales.
"hello.."
sagot ko sa tawag ng ina ni chance..
"oh hi jenny, kamusta?"
sagot naman ng ina ni chance at base sa tono ng boses ng pangangamusta nito e para bang sinasabi niyon kung kamusta na ba ang trabaho ko sa kaniya.
"mrs. costales heto ho hindi masiyadong okay, bakit ngayon lang ho kayo tumawag? ano hong nangyari at ngayon lang kayo nagparamdam?"
mga tanong ko habang palinga-linga ako sa paligid upang siguraduhing wala ngang nakakakita at nakakarinig sa pakikipag-usap ko kay mrs.costales.
"oh well hija, alam mo naman ako. marami akong ginagawa at inaasikaso. kaliwa't kanan ang mga trabahong ginagawa ko ngayon sa kompanya namin kaya hindi ko magawang kamustahin palagi ang trabaho mo sakin. but anyway, tumawag ako nung isang araw sa anak ko at ang sabi ni chance sakin nandiyan daw kayo sa inyo sa pangasinan?"
"ah oho mrs. costales nandito nga ho kami ngayon ng anak ninyo at yun ay dahil sa tatang ko. nalaman ho kasi niya ang tungkol sa pagsugod ko sa simbahan at tungkol sa peking pagbubuntis ko dahil dun sa viral video naming kumakalat ng anak ninyo"
paglalahad ko.
"alam ko, nasabi nga sakin ni chance nung tumawag ako sa kaniya. nai-kuwento na lahat ng anak ko sakin"
"ho? nai-kuwento na lahat sa inyo ni chance? so ibig sabihin nun mrs. costales alam na din ho ninyo na dahil dun sa kumakalat naming video ng anak ninyo e naiipit ngayon si chance sa mga ginagawa ng tatang ko? mrs. costales yung tungkol po sa video kilala niyo ho ba kung sino ang nag-upload nun o may ideya po ba kayo kung sino kaya ang gumawa nun?"
sa tanong kong huli narinig ko nalang ang malutong na tawa ng ina ni chance at nagtaka naman ako sa kaniya.
"mrs. costales bakit ho kayo tumatawa? may nakakatawa po ba sinabi ko?"
hindi ko napigilang itanong at tumigil muna sa kaniyang pagtawa si mrs. costales bago niya ako sinagot.
"im sorry hija natutuwa lang kasi ako dahil kahit paano may saysay yung ginawa ko. well, yung tungkol sa nag-upload nung kumakalat ninyong video ng anak ko. gusto kong malaman mong ako ang gumawa nun hija.."
agad akong napamaang at nasorpresa talaga ako dahil sa sinabing yun ni mrs. costales. seryoso? siya pala ang may pakana ng viral video namin ng anak niya! anong klaseng utak meron ang matandang chucky doll na ito at parang gusto ata niyang sirain ang buhay ng anak niyang si chance? una, nasira ang kasal ng anak niya dahil sa evil plan niya. at pangalawa, gumawa pa siya ngayon ng viral video namin ng anak niya!
pambihirang ina oo! may tama ata sa utak kaya kung anu-ano ang mga nagagawa?
"ho? kayo ho ang gumawa nun? e bakit naman ho ninyo ginawa yun?"
![](https://img.wattpad.com/cover/116206959-288-k409973.jpg)
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...