"Good morning po tang..."
pagbati ni jenny sa kaniyang ama sabay nagmano siya dito nang makarating kami ng kusina para mag-almusal.
"Good morning po mr. morales..."
pagbati ko din at seryosong mukha naman ang iginanti sakin ng ama ni jenny ngunit inilahad nito sakin ang likod ng kamay na parang nagsasabing mag-mano din ako sa kaniya.
"dali mag-mano ka.."
utos ni jenny at pasimple niya akong siniko sa tagiliran nang makita ang ginawa ng ama. agad nga akong nagmano kay mr. morales at pagkatapos nun, saka lang nito ibinaba ang kamay at tinuon ang mga mata sa binabasang diyaryo kanina.
ang akala ko hindi na iimik ang ama ni jenny ngunit nang maupo ako at si jenny naman ay binibigyan niya ako ng plato para sa pagkain ng almusal, nagsalita ang tatang niya,.
"mula ngayon chance dapat kana ding matuto na magmano sakin bilang mapapangasawa ka ng anak kong si jenny, yun ang nakaugalian ng mga anak kong gawin sakin palagi kaya bilang magiging son in law kita dapat ganun din ang gawin mo. maliwanag ba?"
saad sakin ni mr. morales at nang sulyapan ko si jenny, ngumiti naman siya sakin at tumango tango na parang nagsasabing sabihin ko sa tatang niya na naiintindihan ko ito.
"ah.. y-yes po mr. morales maliwanag ho"
sang ayon ko nga at huminga naman ng malalim ang tatang ni jenny sabay tinanggal muna ang salamin sa mga mata bago muling nagsalita.
"mula din ngayon, hindi na mr. morales ang itatawag mo sakin kundi tatang na din. sa totoo lang, lahat ng mga tao dito sa barangay namin tatang ang tawag sakin. kaya ikaw na magiging son in law ko, hindi naman siguro masama o mahirap para sayo kung tatawagin mo din akong tatang"
sabi sakin ng ama ni jenny habang mataman siyang nakatingin sakin.
si jenny naman pasimpleng siniko uli niya ako sa aking tagiliran na nagpapahiwatig na u-mu-o nalang uli ako sa sinabi ng kaniyang tatang.
ngumiti ako sa ama nito at tumango ako bilang pagpayag uli sa gusto nito at sinabing...
"kung yun po ang gusto ninyo, sige ho--"
"sige ano?"
"uhmmm.. sige ho mula ngayon tatawagin ko na din ho kayong t-tatang.."
pag-sang ayon ko at medyo akward ko pang sabi sa huli sa ama ni jenny.
"mabuti naman at hindi ka mahirap kausap. siya mag almusal na kayo, ah jenny anak ipagtimpla mo ang mapapangasawa mo ng kape---"
"ah h-huwag na po. hindi ho kasi ako nagkakape mr. morales ah ang ibig kong sabihin tatang.."
"ah opo tatang hindi ho talaga nagkakape si chance dahil nenerbiyos ho siya kapag nainom siya ng kape, ipagtitimpla nalang kita ng milo chance, gusto mo ba?"
segunda ni jenny sa aking sinabi at alok sakin ng milo sa huli. mabuti naman at hindi na nagpumilit pa ang ama ni jenny na pagkapehin ako, salamat naman at kahit yun lang e naintindihan niya ako.
"ah yah, sige milo nalang salamat"
sabi ko nga kay jenny at nakangiti namang umalis ito saglit para ipagtimpla ako ng milo.
nang kami nalang ng tatang ni jenny ang nasa mesa. feeling ko parang hindi ako makahinga ng maayos at naiilang talaga ako dahil sa manaka nakang pagsulyap nito sakin habang nagbabasa siya ng diyaryo.
napapitlag pa nga ako nang tumikhim siya ng malakas at jeez, simula talaga ng makita ko at makilala ko si mr. morales nate-tense na ako palagi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
Любовные романыHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...
