Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
"Nakakainis ka jenny! bakit ba ganito? bakit ba ang gulo-gulo ngayon ng life mo! kung hindi mo sana ginawa yung mga kagagahang ginawa mo e di sana, hindi ka namomroblema ngayon! pero wala e, wala kang choice kundi gawin ang pinapagawa sayo ng chucky doll na matandang yun alang alang sa tatang mo, nakakainis na buhay ito oo! paano ko ba malulusutan itong pesteng problema ko?"
mga pagsisintir ko habang paroo't parito akong naglalakad ngayon sa sala.
mga ilang oras na din simula ng umalis si mrs. costales ngunit hanggang ngayon hindi pa din talaga ako mapalagay dahil sa bagong plano niya.
"letse! ano nalang ba ang mangyayari kapag ginawa na namin ng matandang chucky doll ang bagong plano niya? huwag naman sanang atakihin uli sa puso ang tatang ko, ni hindi pa nga ako tapos sa mga problema ko sa mag ina tapos ganun na naman ang mangyayari, haaay.. fairy god mother help me naman please.. sana totoo kana lang, parang awa mo na tulungan mo ako ngayon. maloloka nako sa problema ko.. kawawa naman si chance, ayokong gawin yung pinapagawa sakin ng mama niya dahil alam kong masasaktan siya ng labis kapag nangyari yun... ano ba it--- a-aray! letse pati ba naman ikaw tummy sumasabay kapa ngayon.."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
patuloy ko at daing ko naman sa huli dahil sa nanakit ko pa ding tiyan.
pati itong tiyan ko dumadagdag sa problema ko. hindi pa din talaga nawawala ang sakit hanggang ngayon. sa totoo lang panay na talaga ang sakit ng tiyan ko noon pang mga nakakaraang buwan at hindi ko pa nagagawang magpa-check up sa doktor dahil sa abala ako sa trabaho ko at isa pa, iniisip ko ding wala naman sigurong grabe sa palagiang pananakit ng tiyan ko at wala akong dapat ipag alala. pero ngayon parang ibig ko na ata ang mag-alala dahil sa tindi na ng pananakit niya at pagiging madalas niya. three weeks ago ilang araw din akong nasa bahay dahil sa matinding pananakit ng tiyan ko at yun nga nang mawala naman, pinagpahinga lang ako ng dalawang linggo ng hindi siya sumasakit tapos heto uli umaatake na naman.
"bakit ba ganito ang life mo jenny? patong-patong na ang dami ng problema mo tapos---"
hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa sana nang marinig kong bumukas ang main door ng bahay at nakita kong dumating na si chance. kay ganda ng ngiti niya sakin ngayon kahit pa man halata din sa hisura nito ang pagod dahil sa maghapong trabaho.
"hi, maaga kana naman atang umuwi ngayon ah? kamusta ang trabaho?"
salubong ko kay chance at hindi ko ipinahalata sa kaniya na namomroblema ako ngayon dahil sa kanilang mag ina pati na ang pag-daing ko dahil sa pananakit pa din ng aking tiyan. mahirap na. baka pilitin pa ako at kulitin ni chance na dalhin sa hospital at malaman pa niya sa mga doktor na hindi talaga ako buntis.
"heto pagod uli, ang daming ginawa sa opisina. maaga lang akong nakauwi uli ngayon dahil hinayaan ko na sa sekretarya ko yung ibang natitirang trabaho na puwedeng siya naman ang gumawa"
sabi ni chance habang tinatanggal niya ang office coat niya sabay inihagis yun sa sofa at pagod na naupo kapagkuwan.
"ah oo nga nasabi sakin kanina ng ma---ang ibig kong sabihin e.. ng utak ko. sabi niya madami ka daw ginawa ngayon sa opisina kaya mukhang pagod na pagod ka"