Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
Malakas na pagsigaw ko sa loob ng simbahan pagpasok na pagpasok ko.
diyos ko patawarin niyo po sana ako.
matinding pangangailangan lang po talaga papa god!
"WHO THE HELL ARE YOU? ano ang ginagawa mo dito sa kasal ko?"
tiim bagang na tanong sakin ng pogi at yummy na lalaki at kahit pa man nasa loob ako ng simbahan hindi ko maiwasang magnasa dahil sa kaniyang malinamnam na hitsura.
oh sweet baby jesus patawarin niyo po sana uli ako at may gana pa akong magnasa mismong sa loob pa ng bahay ninyo...
"A-ko si JENNYFER MORALES at nandito ako para tutulan ang kasal ninyo ng babaing yan! hindi ka puwedeng magpakasal sa kaniya! may pananagutan ka sakin!"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
lakas loob kong sagot sa lalaki at huminga muna ako ng malalim bago ko sinabi ang BOMBANG dapat nitong marinig! ang klase ng bomba na tiyak sisira sa wedding nila ng babaeng magiging kabiyak sana nito.
"BUNTIS AKO! at gusto kong malaman mo na ikaw ang ama! congratulations magiging DADDY kana!"
sukat sa sinabi kong yun napamaang ang lahat ng mga taong nasa simbahan habang sila ay nakatingin sakin.
sa aking nakikita parang gusto ko nalang atang kumaripas ng takbo at bawiin ang sinabi ko lalo pa at madilim na madilim na ang anyo ngayon ng lalaking ikakasal dapat sana dahil sa narinig niya.
base sa hitsura ng lalaki ngayon habang siya ay nakatingin sakin, para bang sinasabi nitong ihanda ko na ang sarili ko at tiyak patay ako sa kaniya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
oh no! ano bang kagagahan itong pinasukan ko?! diyos ko lord tulungan niyo po ako!