Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Jenny hindi pa ba tayo tapos? marami pa ba tayong bibilhin?"
medyo naiinip ko ng tanong kay jenny dahil kanina pa kami nito sa palengke, naglilibot at namimili.
"ha bakit? nababagot kana ba? may mga bibilhin pa tayong mga isda at karne e. kunting tiis nalang dadeeh at matatapos na din tayo.. ay manang magkano po itong mga patatas ninyo?"
sagot sakin ni jenny habang naglalakad kami sabay hinto at tanong nito sa isang tindera ng mga gulay na hinintuan namin.
nang matapos bumili at makuha ni jenny ang mga patatas na binili niya sa tindera. naglakad uli kami nito para maghanap na naman ng iba pa naming mabibilan ng mga kailangan naming bilhin.
"jenny, matagal pa ba tayo?"
muli ay tanong ko sa kaniya dahil sa bagot ko habang naglalakad kami ni jenny papunta naman sa bilihan ng mga isda at karne.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"ano kaba? panay naman ang tanong mo diyan e. sandaling sandali nalang at matatapos na tayo okay. kunting kunting pasensiya nalang dadeeh ng aking babeeh pleaseee?"
"e kasi naman kanina mo pa sinasabi yan. sandali ka ng sandali nalang pero heto nandito pa din tayo. ang init kasi dito saka ang dami pang mga tao, sobrang siksikan hindi lang yun maputik pa. tignan mo itong sapatos ko puro putik na---"
"e ikaw ba naman kasi, alam mo na ngang palengke ang pupuntahan natin imbes na nag-tsinelas kana lang e nag-suot kapa ng white converse na sapatos. natural na madudumihan talaga yan pirmi ng putik dito sa pelengke noh"
"e malay ko ba na ganito kaputik ang palengke niyo dito saka isa pa bakit hindi nalang tayo sa SM nagpunta. nag-grocery nalang sana tayo dun"
"SM? medyo malayo yung SM dito samin saka doon hindi ka naman makakatawad katulad ng dito sa palengke kasi doon puro naka-fix na yung mga prize nung mga bibilhin mo. alam mo sige na tumigil kana nga diyan sa pagrereklamo mo at malapit na tayong matapos talaga promise"
wala akong nagawa kundi ang manahimik na nga lang at sumunod sa pamamalengke ni jenny kahit pa man sobrang inip na inip na ako at init na init dahil sa panahon pati na din sa pakikipagsiksikan namin sa mga tao.