CHAPTER 21

3.2K 46 0
                                        

"Sandali lang, huminto kana muna."

pigil ko kay chance nang akmang papasok na kami nito sa loob ng hospital at kunot noo naman siyang napatingin sakin.

"bakit, may problema ba?"

"oo e nenenerbiyos kasi ako sa gagawin natin. saka iniisip ko ano nalang kaya ang mangyayari sa paghaharap ninyo ngayon ng tatang ko"

kabado kong pag-amin kay chance sabay huminga ako ng malalim.

pagkatapos ay hinawakan ko din siya sa magkabilaan niyang braso at ipinaharap sakin.

"yung sinabi ko sayo ha, tandaan mo yung pinagusapan nating dalawa. mangangako ka sa tatang ko na pakakasalan mo ako. galingan mo ang drama mo. kaya mo ito, kaya nating dalawa ito, okay?"

kinakabahang sabi ko kay chance sabay binitawan ko siya.

maging siya ay mukhang kabado din sa gagawin namin.

"oo na alam ko na yan. ilang beses mo na bang sinabi sakin yan ng nasa kotse tayo kanina. alam mo, mas lalo lang akong kinakabahan sayo e kapag paulit ulit ka, halika na nga pumasok na tayo at para matapos na.."

sabi ni chance at nauna na siyang naglakad sakin sa pagpasok ng hospital.

habang naglalakad na kami ngayon sa loob ng hospital, napapansin ko ang mga namamanghang tingin ng mga nurses at kababaihan kay chance at kulang nalang maglaway na din sila dahil sa napaka-yummy'ng histsura ng kasama ko.

ang isa sa kanila narinig ko pang sinabi na naiingit siya sakin.

sa huli kong naisip napangiti ako. akala ata nila girlfriend ako ni chance.

"chance hindi mo ba napapansin panay ang tingin sayo ng mga kababaihan dito?"

pasimple kong tanong kay chance at parang dedma lang siya sa sinabi ko.

"so, kailangan ko bang problemahin yun?"

"h-hindi naman kaso tignan mo naman sila oh kulang nalang maglaway sila, lumuhod sa harapan mo at sambahin ka dahil sa nakikita nila sayo.. alam mo na.."

sabi ko at parang dedma pa din si chance habang naghihintay na kami nito ngayon ng elevator para umakyat sa kuwarto ng tatang ko.

"anong feeling ng hinahangaan ka ng ibang tao? masarap ba sa pakiramdam? kasi alam mo ako, aaminin ko. kahit na alam kong hindi tayo, ang sarap ng pakiramdam ko ngayon dahil sa narinig kong sinabi nung isa na naiingit daw siya sakin kasi ang akala niya girfriend mo ako.. haaay.. pero uy wala akong ibig sabihin sa sinabi ko ha. ang ibig kong sabihin e baka isipin mo type kita kaya natutuwa ako sa sinasabi nilang naiingit sila sakin kasi akala nila tayong dalawa. na-ge-gets mo ba yung sinasabi ko? naranasan mo na ba yung ganitong feeling? yung feeling mo masuwerte ka kasi nasayo yung isang bagay na wala sa iba?"

mga pahayag ko at napapailing nalang sakin si chance.

sakto namang dumating ang elevator at sumakay na kaming dalawa dun para umakyat kung saan naroon ang kuwarto ng tatang ko.

"ewan ko sayo, kung anu-ano ang pinagsasabi mo. alam mo na ngang may serious matter tayong gagawin ngayon nagagawa mo pang mag isip ng ganyan"

iiling iling na wika sakin ni chance at ako naman napanguso nalang.

"ikaw naman. okay nga yun e kasi kahit paano nababawasan ng kahit kunti ang nerbiyos na nadarama ko. ah basta yung sinabi ko sayo. galingan mo yung drama mo ha. alam mo na kung ano yung mga sasabihin mo"

ulit ko uli kay chance sa huli at naitirik nalang niya ang mga mata dahil sa kakulitan ko.

maya maya nang nakarating na kami ni chance sa floor kung saan naroon ang kuwartong okupado ng tatang ko, habang naglalakad na kami sa hallway. muli kong pinigilan si chance.

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon