CHANCE...
Makulit, Magulo, Maingay at Madadaldal din ang mga kamag-anak ni jenny katulad niya. may pinagmanahan nga talaga siya. kanina nang dumating ang mga tiyuhin niya at tiyahin kasama ng mga pinsan niya.
nang ipakilala ako ng ama ni jenny sa kanilang mga kamag anak. naging mainit naman ang pagtanggap nila sakin at magiliw sila sa tuwing ako ay kanilang kakausapin.
nang maghapunan kami, naging maayos naman ang salo salo namin kahit pa man medyo naiilang ako kung minsan sa tuwing babanggitin nila ang tungkol sa kasal namin ni jenny.
oh god, talagang siguradong-sigurado na nga sila na magpapakasal kami ni jenny. wala silang kaalam alam na wala naman talagang matutuloy na kasalan.
sana naman kapag sinabi na namin sa ama ni jenny sa huli na hindi kami magpapakasal dahil hindi naman namin mahal ang isa't isa. sana huwag atakihin sa puso ang tatang niya dahil kapag nangyari yun at may masamang mangyayari sa ama ni jenny. hinding-hindi ako patatahimikin kapag nagkataon ng aking konsensiya.
anyway, matapos kaming maghapunan kanina. nagkayayaan naman ang mga lalaking pinsan ni jenny kasama ang mga tiyuhin nito na mag inuman. siyempre ako kahit ayoko sana, sumali pa din ako upang wala silang masabi at higit sa lahat baka masermunan uli ako ng tatang ni jenny.
si jenny naman kasama niya ngayon ang kaniyang mga tiyahin at mga babaeng pinsan niya, at abala din sila sa kanilang pagkukuwentuhan.
"uy chance oh eto o tumira kana!"
muli ay pagpapatira sakin ng pinsan ni jenny ng alak at agad ko namang kinuha yun at ininom. sa halos kalahating oras na umiinom kami medyo parang tinatamaan na din ako dahil sa lakas ng alak na iniinom namin ngayon.
habang umiinom kami may kasama ding videoke. sa totoo lang naiingayan ako at sumasakit na ang tainga ko dahil sa sintonadong boses ng tiyuhin ni jenny na kasalukuyang kumakanta ngayon ng kantang MY WAY..
jeez,mga filipino nga naman. kapag nag-inuman hindi puwede talagang mawala ang videoke minsan.
"oh heto na ang pulutan ninyong adobong paa ng manok mga bossing... dahan dahan lang sa pag inom ha. huwag panay ang laklak ng alak dahil uuwi pa tayo mamaya. ayaw naming may kasama kaming mga lasing sa pag uwi at mahirap na"
pagpapaalala ng tiyahin ni jenny sa huli na siyang nagbigay din ng pulutan namin.
pulutang adobong paa ng manok? masarap kaya yun? jeez, ang hilig din talaga kumain ng exotic food ang mga angkan ni jenny.
"huwag ho kayong mag alala tita marge, wala kayong makakasamang lasing sa pag uwi niyo kasi mamaya panay na kami tulog dahil sa tama ng alak. uuwi ho kayo ng kayo lang"
biro pa ng pinsan ni jenny sabay tumawa ang lahat.
pabiro namang kinutusan ng tiyahin ni jenny ang pinsan niya dahil sa sinabi.
"ikaw talaga uge panay ka talaga kalokohan oo"
napapailing na wika ng tiyahin ni jenny sa pinsan nitong si uge na nagbiro kanina.
"ah basta walang malalasing sa inyo ha. uuwi pa tayo mamaya. lalo kana arnold. hoy magmamaneho kapa. baka mabangga tayo kapag nalasing ka. hinay hinay sa paglaklak ng alak"
patuloy pa ni tiya marge at sinaway nito ang asawang bumibirit na din ng kanta ngayon sa videoke.
MAKALIPAS ANG ISANG ORAS...
"uy chance kumanta ka naman diyan! sige na!"
alok din saking kumanta ng pinsan ni jenny na si luca at ewan ko ba, nang dahil yata sa dami na ng nainom kong alak pumayag din ako sa wakas sa alok nito na kanina lang ay todo ang tanggi ko.
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
Любовные романыHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...
