CHAPTER 4

6K 99 3
                                        

"Seriously sa dalawang menu na in-order mo, kumuha kapa ng ice cream at saka ng ite-take out mo? okay ka din ha. talagang sinagad mo na ang pagpapalibre sakin. saka mauubos mo ba lahat yung pagkaing kinuha mo?"

hindi ko mapigilang i-komento sa makulit na babae dahil sa dami ng pagkaing in-order niya. hindi naman sa hindi ko kayang bayaran ang lahat ng kinuha nito kaso hindi ko lang ini-expect na pagkataos ng lahat ng mga ginawa niya sakin e magagawa nitong magpalibre sakin ng ganun kadami.

anyway, nandito kami ngayon sa jollibee fastfood restaurant at dito napili ng babae na kumain.

anyway, nandito kami ngayon sa jollibee fastfood restaurant at dito napili ng babae na kumain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"e sa gutom ako e. anong magagawa ko saka hindi lang naman para sakin yung inorder ko. para din yun sa baby nating dalawa. dalawa kaming kakain e"

napamaang nalang ako sa sinabi nito at hindi ko maiwasang mapailing.

"at talagang idinahilan mo pa yang batang dinadala mo. bakit? dambuhala ba yan para kumain ng ganun kadami sa inorder mo?"

"hindi ko siya idinadahilan okay. yun talaga yung totoo. kapag kumakain ang isang inang nagbubuntis pati yung baby niya sa loob kumakain din. at kapag gutom naman ang ina. gutom din yung baby niya. saka teka nga muna bakit ba parang nagrereklamo ka sa mga pagkaing kinuha ko? wala kabang pambayad?"

"siyempre meron. at kahit pa order-in mo ang lahat ng pagkaing nandito e kaya kong bayaran. ang sakin lang. bakit parang hindi ka marunong mahiya. nagagawa mo pang magpalibre sakin at umorder ng ganun kadaming pagkain pagkatapos ng ginawa mo sakin"

napalabi nalang ang makulit na babae sakin at parang nagi-guilty din naman siya sa sinabi ko.

"pasensiya na. e sa nagugutom ako e. alalahanin mo buntis ako at ang buntis na katulad ko e sadya talagang matakaw kumain lalo na kapag nasa stage siya ng paglilihi"

giit pa din nito sakin at napapailing nalang ako.

"yah right, whatever"

sabi ko nalang sabay umuna na akong naglakad dito nang makuha na niya ang mga pagkaing inorder niya.

"ayaw mo ba talaga?"

alok sakin ng makulit na babae sa hawak niyang cheese burger habang kami ay nakaupo na sa puwestong okupado namin.

"ang kulit mo din talaga. ilang beses ko bang sasabihin sayong ayoko nga e diba, saka sa tingin mo. pagkatapos ng mga ginawa mo sakin ngayong araw na ito. do you think may gana pa akong kumain ngayon?"

iritado kong sambit at halos magkasalubong na ang mga kilay ko dahil sa inis ko sa mga ginagawa niya sakin.

"ay alam mo mahirap yan. at saka sa tingin ko din medyo matatagalan pa bago ka makaka-move on sa galit mo sakin. so ibig sabihin lang nun matatagalan din bago ka kumain. kapag nangyari yun patay ka. mamatay kang dilat sa gutom. hindi lang yun kundi na din sa galit sakin. alam mo bang mahirap mamatay kapag may galit ka sa kapuwa mo. hindi ka sa heaven mapupunta kapag nagkaton. gusto mo ba yun?"

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon