Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
"Po? tanggal na ho ako sa trabaho? bakit naman ho ganun madame principal. nang dahil lang sa viral video kong yun matatanggalan na ako ng trabaho?"
hindi makapaniwala kong sambit sa school prinicipal nang sabihin niyang hindi na ako puwedeng magtrabaho sa naturang school na pinagtratrabahuan ko dahil sa viral video namin ni chance na kumakalat pa din hanggang ngayon.
mukhang desidido naman ang matandang ginang o ang principal ng school sa bombang sinabi niya sakin.
"i am so sorry jenny, alam mo naman ang pinaka-policy ng school natin diba? bawal ang magkaroon ng isang scandal or viral video ang isang teacher na katulad mo. ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ng mga estudyante kapag nakita ka nila dito? isang kasiraan sa image ng eskuwelahan kung pananatilihin ka namin dito jenny. i hope you understand"
paliwanag ni madame principal at para na akong mapapaihi sa salawal ko ngayon dahil sa kabang nadarama ko. diyos ko po hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. hindi puwede! ako lang halos ang inaasahan ng tatang ko at ng kapatid ko.
"pero madame principal nakita niyo naman ho. kahit na may sakit ako pumapasok pa din ako. kahit bumagyo man, bumaha o ang lumindol go, go, go pa din ako. ngayon nga lang ako nawala at nag-leave ng isang buwan dahil sa tatang kong nagkasakit kaya bakit ho kailangang tanggalin niyo ako sa trabaho dahil lang dun? madame principal please bigyan niyo naman po sana ako ng isa pang pagkakataon na magturo dito saka kailangan ko ho ng trabaho. ako lang ang inaasahan nila samin. kung nawalan ako ng trabaho paano nalang kami mabubuhay? sige na ho madame principal huwag niyo akong tanggalin. promise, nangangako talaga ako. hinding hindi na mauulit pa ang ginawa kong scandal na yun.. please madame, please..."
pagmamakaawa ko pa din sa matandang ginang ngunit mukhang desidido pa din siya sa kaniyang desisyon.
"jenny gustuhin man kitang bigyan ng pagkakataon dahil alam kong mabait ka at isa ka sa mga teacher na magaling ng school na 'to. kailangan ko pa ding gawin ang inuutos ng may ari ng eskuwelahan dahil kung hindi baka ako naman ang mawalan ng trabaho. sana maintindihan mo din ako.. again i am so sorry.."
determinadong pahayag ni madame principal sakin at wala na talaga akong nagawa kundi tanggapin na nga lang ang kaniyang desisyon.
shucks, saan na kami pupulutin ng pamilya ko nito ngayon?
CHANCE...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
What the heck, its already 2 am in the morning at heto ako gising na gising pa din.
hindi ko talaga magawang matulog kahit anong gawin ko dahil sa tuwing pipikit ako ng mga mata ko. ang mukha ni jenny ang nakikita ko. ang utak ko abalang abala din sa pag iisip sa kaniya at sa pag-re-reminisce sa mga nangyari saming dalawa.
jeeez, umalis na lahat-lahat si jenny sa condo ko, hindi ko na siya nakikita ngunit heto ako parang gingulo pa din niya ang buhay ko kagaya ng dati dahil panay pa din ang isip ko sa kaniya.