CHANCE...
"WHAT?! video? anong video, hindi kita maintindihan?"
bulalas kong tanong nang sabihin sakin ng kaibigan kong si gio na may kumakalat daw akong video ngayon sa social media. nasa pribadong opisina niya kami nito ngayon at pinuntahan ko ang kaibigan ko upang maglabas sa kaniya ng mga saloobin ko tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
"e di ano pa? e di yung scandal na ginawa nung babae sa araw ng kasal mo. yung babaeng sumugod sayo sa simbahan at sinasabi niyang nabuntis mo daw siya--"
"are you fucking serious? ako at ang babaeng yun may kumakalat kaming video?"
hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman si gio bilang sagot.
"e sino naman ang uploader nun? kilala mo ba? saka kailan pa nag-umpisang kumalat ang video na yun?"
"kahapon ko lang nakita yung video at hindi ko alam kung kailan yun inupload. yung tungkol naman sa uploader. yun ang hindi ko alam. anonymous siya e. malamang ayaw ipaalam nung uploader ng video ninyo kung sino siya dahil alam niyang todas siya sa inyo kapag nagkataon. pero dude sigurado, isa din sa mga bisita ninyo ni martina sa kasal yung nag-upload nun."
pahayag ng kaibigan ko at hidi ko uli maiwasang mapamura dahil sa may dagdag isipin na naman ako. sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng scandal video. ngayon lang talaga nang dahil sa babaeng makulit na yun, damn it!
"matanong lang kita, saan mo ba talaga kasi nakilala yung babaeng nabuntis mo ha?"
patuloy ni gio at marahas naman akong napabuga ng hangin bago nagsalita.
"hindi ko alam at sa totoo lang hanggang ngayon palaisipan pa din sakin kung ako nga ba talaga ang ama nung dinadala niya. wala talaga akong maalala na may nangyari saming dalawa at nagising ako sa isang hotel na kasama ko siya. ang sabi niya nagkakilala daw kami sa isang bar at nagkalasingan, and then after that, may nangyrai na samin! damn it gio! nalilito pa din talaga ako, naguguluhan at sumasakit palagi ang ulo ko dahil sa kakaisip kung ako nga ba talaga ang nakabuntis sa kaniya. one month gio. fucking one month! ganun katagal pa ako maghihintay para malaman ko kung ako nga ba talaga ang ama nung ipinagbubuntis niya!"
desperado kong saad at marahas na naman akong napabuga ng hangin sabay napabuntong hininga.
"alam mo nakakabaliw talaga yang sitwasyon mo pare pero... paano kung lumabas sa resulta nung paternity test na ikaw nga talaga ang ama. anong gagawin mo dun sa babae? palalayasin mo pa din ba siya sa bahay mo?"
tanong ni gio sa huli at alam na nito na sa condo unit ko nakatira ngayon ang babaeng makulit at nagsasabing nabuntis ko.
"oo paaalisin ko pa din siya pero bago yun, kailangan ko na munang maghanap ng ibang matutuluyan niya dahil hindi ko naman ma-a-attempt na matutulog at magpapagala gala nalang siya sa kung saan saan diyan kasama ng anak ko"
honest kong sagot at napamaang naman si gio sakin na parang naguguluhan sa sinabi ko.
"ha? magpapagala-gala sa kung saan-saan? bakit? ulila naba siyang lubos? wala ba siyang matitirahan o mauuwiang iba?"
"meron, may mauuwian siya. taga pangasinan siya. ang problema kaya ayaw niyang umuwi sa kanila e dahil hindi daw alam ng kapatid niya at nung tatang niyang may sakit sa puso na buntis siya. ayaw daw niyang malalaman ng pamilya niya ang tungkol sa pagdadalang tao niya lalo na nung tatang niya dahil baka daw atakihin sa puso"
"ganun? ayaw niyang malalaman ng pamilya niya ang tungkol sa pagbubuntis niya? tsk, imposible yun chance. sigurado darating at darating ang araw malalaman din ng pamilya niya ang tungkol sa pagdadalang tao niya lalo pa ngayong may video scandal kayong kumakalat----"
BINABASA MO ANG
Marry me, I'm Pregnant!
RomanceHi ako si JENNYFER MORALES! alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob? yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon. May...
