CHAPTER 11

3.9K 53 1
                                        

"Janus..." tawag ko sa kapatid kong binata na abalang nakikipag usap sa isang nurse na nasa information area. agad namang napalingon si janus sakin at para bang nakaramdam ito ng relief nang ako ay makita niya.

"ate, mabuti naman at nandito kana. kahapon kapa kasi hinahanap sakin ni tatang kahit nung sabihin ko sa kaniyang abala ka na nagtratrabaho dun sa mayamang donya"

sabi ng kapatid ko nang siya ay makalapit sakin.

"ha ganun hinahanap pa din talaga niya ako? alam mo mabuti nalang at nagawa ko pa ding dumalaw dito sa inyo ni tatang. yung anak kasi nung si mrs. costales may pupuntahan kaya yun sumabay na ako sa kaniya para makamusta ko kayo dito. nagpahatid ako sa kaniya medyo malapit dito sa hospital"

"ha? nagpahatid ka malapit dito? alam ba niya na dito ang punta mo?"

"hindi, wala akong sinabi sa kaniya. ang ikinatuwiran ko nalang. kailangan kong bumili ng mga damit ko kasi tanging itong suot ko lang ang meron ako. diba meron namang ukay ukay na malapit dito sa hospital kaya sa tingin ko hindi yun magudududa sakin. saka isa pa hindi na din siguro nun pagkakaabalahang isipin pa kung bakit dito sa lugar na ito ako nagpahatid sa kaniya. nga pala maiba tayo. anong ginagawa mo ngayon dito sa information area? pinatawag kaba ng doktor at may kukunin ka?"

paliwanag ko at tanong ko sa kapatid ko sa huli at napakamot naman ito sa ulo bago sumagot.

"w-wala ate. ano lang kasi e.. a-ano--"

"hoy janus umamin ka nga. pinopormahan mo ba yung nurse na yun?"

hula ko at kagat labing napapangiti nalang sakin si janus na nahihiya.

"hay naku janus. kay bata bata mo pa panliligaw na ang iniisip mo. hindi ba ang sabi ko sayo. bantayan mo si tatang?"

"e ate binabantayan ko naman talaga si tatang e kaso kanina nung nakatulog siya. lumabas muna ako para bumili ng makakain sa canteen kaso---"

"kaso ano? kasi nakita mo yung nurse na yun? janus alam mo hindi naman sa ayaw kitang magkaroon ng girlfriend ha. siyempre okay lang sakin yun, pero sa ngayon puwede bang huwag mo na munang intindihin ang tungkol sa bagay na yun. bata kapa. 17 years old kapa lang okay. ang dapat mong seryosohin ang pag aaral mo. puwede kang manligaw kung gusto mo pero ang magka-girlfriend ka sa ngayon huwag nalang muna. naiintindihan mo ba ako?"

"ate naman parang ang hirap naman ata ng ganun. manliligaw ako tapos hindi ko naman puwedeng maging girlfriend yung nililigawan ko kasi bawal pa sakin ang makipagrelasyon. ano yun?"

kakamot kamot sa ulong komento ni janus sa sinabi ko ngunit nagmatigas pa din ako sa gusto ko.

"ah basta bawal sayo ang magka-girlfriend sa ngayon. kapag nag-18 kana. baka sakali papayagan na kita. sa ngayon mag-concentrate kana lang muna sa pag aaral mo. saka alam mo ikaw, yung nurse na pinopormahan mo. siguradong mas matanda pa yun sayo. pambihira ka--"

"age doesnt matter naman ate diba?"

"sus hihirit kapa. kahit na. saka uunahan mo pa akong magkaroon ng kasintahan gayung ako nga itong malapit ng mawala sa kalendaryo. hanggang ngayon wala pa din akong nagiging boyfriend tapos ikaw----"

"e ate kasalanan ko ba kung bakit wala kang boyfriend? magpaligaw ka kaya o di kaya ang makipagdate ka para magka-boyfriend kana. kaya mo lang ata ako pinipigilan na manligaw kasi gusto mo ikaw nalang muna ang magkakaroon ng love life bago ako"

nangingiting panunudyo sakin ni janus at inismiran ko lang ito.

"tse! magtigil ka nga diyan. kung anu ano pa ang sinasabi mo, ah basta! sa ngayon wala munang lovelife lovelife ha. si tatang nalang muna ang priority natin sa ngayon okay. maraming nagawang sakripisyo si tatang para satin noon kaya ngayong kailangan naman niya ng sakripsiyo nating dalawa. tayo naman ang gagawa nun para sa kaniya. naiintindihan mo ba? o siya halika na at baka hinahanap na tayo ni tatang e"

Marry me, I'm Pregnant!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon