CHAPTER 44

3.3K 61 6
                                    

CHANCE...

8 PM ng gabi nang makarating ako sa kanila jenny at ibig kong magtaka dahil sa dami ng tao na pumapasok ngayon sa kanilang gate. inihinto ko ang sasakyan ko at pagkatapos, bumaba ako ng kotse ko. ngayong nasa harap na talaga ko ng gate nila jenny napatda ako nang makita ko ang medyo kalakihang tarpaulin ng tatang niya at nakasulat doon na patay na ito.

"jesus christ, patay na ang tatang ni jenny"

hindi makapaniwalang usal ko at tatlong araw na din pala mula ng mamatay ang kaniyang ama. kawawang jenny pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para sa tatang niya, sa bandang huli ganito pa din pala ang mangyayari.

napabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko saka naglakad ako papasok ng kaunti sa loob ng gate nina jenny. mula sa malayo at sa pamamagitan ng bintana ng bahay nila jenny natatanaw ko siya ngayon na nasa loob ng kanilang bahay kasama si matteo at mukhang inaalo siya nito.

kahit nasa malayo si jenny, kitang kita ko ang matinding kalungkutan na nakaguhit sa kaniyang hitsura ngayon base nalang sa mugtong-mugto niyang mga mata dahil sa pag iyak. maging ang buhok nito ay medyo nakabusagsag at mukhang hindi man lang pinagkaabalahang ayusin pa ni jenny yun dahil siguro sa mga nadarama niya.

"i am so sorry for your loss jenny, hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa tatang mo.."

muli ay usal ko at bigla ay para bang nahihiya akong magpakita ngayon kay jenny dahil sa nangyari sa tatang niya. baka galit siya sakin dahil sa nangyari samin nung huli kaming magkausap at kung magpapakita ako ngayon sa kaniya baka isipin pa niyang hindi ko na iginalang ang burol ng kaniyang ama.

sa aking naiisip, minabuti kong lumabas nalang ng kanilang gate at napagdesisyunan kong saka nalang siguro ako magpapakita kay jenny at makikipag usap sa kaniya kapag maayos na ang lahat. may ibang panahon pa naman para ayusin ang gusot sa pagitan naming dalawa. kung magpapakita ako sa kaniya ngayon baka lalo lang masira ang mood niya.

naglakad na ako papunta ng aking kotse. aaminin ko masama ang loob ko ngayon at nalulungkot ako. masama ang loob ko dahil hindi kami nagkausap ni jenny. nalulungkot naman ako para sa kaniya dahil namatay ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya. alam ko kung gaano kamahal ni jenny ang kaniyang ama, patunay lang nun ang ginawa niya sakin. kahit na ikapahamak niya ginawa pa din niya ang nagawa niya sakin para mabuhay pa ng matagal ang kaniyang ama ngunit yun nga sa hindi inaasahan, sa bandang huli mamatay pa din pala ang tatang niya.

for sure walang katumbas na sakit at lungkot ang nararamdaman ngayon ni jenny dahil sa pagkawala ng kaniyang ama.

huminga nalang ako malalim sa mga naiisip ko at nang akmang sasakay na sana ako ng sasakyan ko para bumalik uli ng manila saka naman may lalaking sumulpot at kumausap sakin.

"so nandito ka pala?"

narinig kong sabi ng lalaki at nang humarap ako sa kaniya nakita kong si matteo pala yun.

"anong ginagawa mo dito? puwede ko bang malaman kung bakit ka nandito?"

patuloy ni matteo at huminga naman uli ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"gusto ko sanang makausap si jenny. gusto ko ng makipag-ayos sana sa kaniya kaso.. ganito pala ang aabutin ko ngayon dito.. hindi ko alam na patay na pala ang tatang niya"

malungkot at hindi makapaniwala kong pahayag at huminga din ng malalim si matteo bago siya nagsalita.

"oo mga tatlong araw na din simula nung mamatay ang tatang niya. sobrang malungkot ngayon si jenny dahil sa nangyari.. alam mo kung ako sayo hindi ako aalis.. sa layo ng ibiyenahe mo papunta dito sayang lang yung oras mo kung hindi ka magpapakita kay jenny.. alam mo bang masamang masama ang loob niya ngayon dahil sa pagkamatay ng ama niya at ngayon din niya higit kailangan ang karamay at taong mang-aalo sa kaniya. huwag kang mag alala hindi magagalit sayo yun, siguradong matutuwa pa yun kapag nakita ka niya..."

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon