Hi ako si JENNYFER MORALES!
alam niyo po ba yung feeling na ginagawa niyo ang isang bagay na kahit na ayaw niyo e kailangan niyong gawin dahil sa isang napakalaking utang na loob?
yah utang na loob at ako lang naman ang gumagawa niyon ngayon.
May...
puna ko kay chance sa hitsura nito ngayon nang makaalis na si tita marge.
huminga naman ng malalim si chance at mataman muna niya akong tinitigan bago siya sumagot.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"sa tingin mo jenny ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ang usapan ninyo ng tiyahin mo at makita kong excited na excited kang umalis papunta ng amerika?"
"chance please---"
"jenny masiyadong malayo ang amerika dito sa pilipinas. yun na nga lang manila to pangasinan nalalayuan na ako. amerika pa kaya?"
seryoso ang hitsurang wika sakin ni chance at huminga din ako ng malalim bago ako nagpaliwanag sa kaniya.
"chance matagal ko ng gustong mangyari ito. bata pa lang ako pangarap ko ng makapunta ng amerika at makapagtrabaho din doon. ngayong nandito na. kumakatok na sakin ang oportunidad na makarating ako dun sayang naman kung pakakawalan ko pa diba?"
"so ano ang ibig mong sabihin jenny? okay lang sayo na magkahiwalay tayo ganun ba? okay lang sayo ang iwanan mo ako dito sa pilipinas dahil sa pangarap mong makapunta dun at makapagtrabaho. ang akala ko ba pagtuturo ang nagpapasaya sayo? e bakit ka pupunta ng amerika para mag-alaga ng mga matatanda dun?"
"oo masaya talaga ako sa trabaho ko bilang teacher. yun ang gusto ko pero chance mas malaki ang kikitain ko sa amerika kapag doon ako nagtrabaho. makakapag-ipon ako ng mas malaking pera at siyempre matutupad na din ang pangarap kong makarating dun--"
"jenny kung ang pangarap mo lang naman e ang makarating ka sa amerika. kung gusto mo puwede kitang dalhin dun. may bahay kami sa amerika at puwede tayong magbakasyon doon. yung tungkol naman sa trabaho puwede kitang ihanapan dito sa pilipinas ng mapagtratrabahuan mo na mas malaki ang susuwelduhin mo kaysa sa trabaho mo ngayon, basta please huwag ka lang umalis.. alam mo mas gugustuhin ko pa ang nasa manila ako at nandito ka lang sa pangasinan kaysa naman ang nasa amerika ka.. jenny masiyadong malayo ang lugar na yun.. ayoko ng ganun ka kalayo sakin.. please jenny.. huwag ka ng umalis"
pakiusap at pagsusumamo sakin ni chance at hindi ko magawang tumingin sa kaniya ngayon dahil buo pa din ang desisyon ko na tuparin ang pangarap ko na makapunta ng amerika.
"chance alam kong may kakayanan kang dalhin ako sa amerika pero siyempre mas gusto ko pa din ang makarating ako dun dahil sa sarili kong sikap. dahil sa pangarap ko at dahil sa trabaho. hindi dahil sa bakasyon na sinasabi mo.. chance please sana naman hayaan mo nalang ako sa pangarap kong ito saka dalawa o isang taon lang naman kung sakali ang magiging kontrata ko dun at pagkatapos nun uuwi na uli ako dito. mabilis lang namang palipasin ang panahon diba saka puwede mo naman akong pasyalan dun kung sakali----"
"so yun ba ang iniisip mo ha jenny? puwede akong dumalaw sayo dun anumang oras na gustuhin ko.. alright sabihin na nating puwede ko ngang gawin yun but jenny hindi naman puwedeng kailangang bumiyahe ako papunta dun palagi para lang magkasama tayo, hindi sa inirereklamo ko yung layo ng biyahe papuntang amerika at isama mo na yung expenses ng ticket ko para lang madalaw kita dun. its just that, gusto ko lang ipaliwanag sayo na may trabaho din ako dito. hindi lang ako basta empleyado jenny sa trabaho ko kundi ako mismo ang nagpapatakbo ng kompanya ng pamilya ko. nakukuha mo ba yung point ko?---"