CHAPTER 14

3.7K 63 2
                                    

JENNY...

Habang nasa shower ako at sarap na sarap sa pagligo ko. may pakanta kanta pa ako.. sa sarap ng tubig na rumaragasa sa buong katawan ko ngayon feeling ko nawala kahit paano ang hilo ko dahil sa tama ng alak sa sistema ko.

mamayang tanghali ipagluluto ko ng masarap na ulam si chance at dahil dun, baka sakaling humupa ng kahit kaunti ang init ng ulo niya sakin. sana nga. sana naman.. anyway, binilisan ko na ang pagbabanlaw ng katawan ko dahil mamalengke pa nga ako. kailangan kong magmadali para naman bago pa magising si chance e tapos na akong mamalengke, nakauwi na uli ako dito sa bahay niya at nakapagluto na din ako ng tanghalian.

eigghhh.. bakit kaya ganito? parang kinikilig ako na ewan. bakit kahit na sinusungitan ako palagi ni chance hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. enebeyen. wala pa ngang tatlong araw kung tutuusin mula nung makasama ko siya. nakakaramdam na ako ng magic and sparks sa kaniya.

"haay ano bang meron ka chance? bakit kahit laging nakasimangot ka sakin at sinisigawan mo ako e nakakaramdam ako sayo ng ganito ngayon?"

piping tanong ko habang nakatingin ako sa kawalan at tinutuyo ko na ngayon ng tuwalya ang basa kong katawan.

"tumigil ka nga jenny, hindi puwede yang sinasabi mo, nahihibang kana ba? ang trabaho mo e ang magpanggap kang buntis at magpapakasal ka kay chance. hindi yung kung anu ano ang naiisip mo diyan? hindi ka puwedeng magka-gusto kay chance okay. alalahanin mo kung gaano ka terror ang nanay niya. baka gusto mong patayin ka ng mama niya na kamukha ni chucky doll gamit ang chainsaw? hmm.. tumigil ka ha.. tumigil ka sa nararmdaman mong yan. erase, erase, erase!"

lihim kong kastigo sa sarili ko habang nasa shower pa din ako at nang akmang itatapis ko na sana ang tuwalya sa hubad kong katawan, nagulat nalang ako nang bumukas ang pintuan ng shower at nakita ko si chance.

hubad din ito ngayon at wala ni anumang saplot sa katawan. nang dahil dun, nanlalaki ang mga mata namin at maang kaming nagkatitigan ng ilang segundo sa hubad na katawan ng isa't isa hanggang sa nagkasigawan nalang kaming dalawa..

"aaaaaagggghhhhhhhh! bwisit! rape, rape! magtago ka! pumikit ka, diyos ko ano ba ito?!"

mga sigaw ko habang nalilito kung lalabas ba ako ng shower, magtatago ako dun o ang isasara ko ang pintuan nun.

"fuck, bakit ba hindi ka man lang kasi nagla-lock ng pintuan ha?!"

sigaw din ni chance at nagmamadali nitong kinuha ang isang tuwalyang naroon upang itakip sa hubad din niyang katawan.

"kasalanan ko pa ngayon ha? hindi ba dapat nang pumasok ka narinig mong nandito ako sa shower?---"

"excuse me! unang una hindi naka-lock ang pintuan ng banyo kaya naisip kong walang tao.. at pangalawa, wala namang ingay sa shower nang pumasok ako kaya malay ko bang nandito ka naliligo"

"natural dito ako maliligo! alangan namang sa kusina ako maliligo? saka isa pa ang bingi mo naman, hindi mo man lang narinig ang mga kaluskos ko kahit pa sabihin mong nakapatay na ang shower---"

sabi ko nang lumabas ako ng shower, may takip na ng tuwalya ang hubad kong katawan at maging si chance ay ganun din.

"e sa wala nga akong narinig. ano ang tingin mo sakin sisilipan kita ganun?"

"hindi ako ang nagsabi niyan kundi ikaw!"

"you, woman! makinig ka, hindi ako pervert okay! saka isa pa e ano naman kung makita ko yan ngayon? wala ka ng dapat itago sakin dahil nakita ko na yan nang may nagyari satin noon sa hotel na sinasabi mo, remember?"

agad akong natigilan sa sinabi nito at oo nga naman pala. may nangyari na nga pala samin nung nasa hotel kaming dalawa.

oo may nangyari samin at yun ang nasa utak ngayon ni chance dahil sa kagagawan ng magaling niyang ina.

Marry me, I'm Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon