[06] Threat.

4.8K 51 1
                                    

[06] Threat.

 

"BAKIT KA ANDITO?!!!"

 

Ngumiti lang ung babae at lumapit kay Jeanne.

 

"I miss you, baby." Nanlaki ung mata ko.

 

"BABY?!" Napalingon pa ako kaagad sa kanila.

 

"Marie.. Calm down.. It's not what you th--Bitawan mo nga akong linta ka!"

 

"Ooooh! So, you're the Great Marie Yu? Sinungaling ung pinagtanungan ko. Mas maganda pala ako sayo."

 

Naiinis ako sa babaeng 'to. Sino ba 'tong haliparot na to?

 

"Who the heck are you?" Mahinahon pero naiinis kong sabi sa kanya..

 

"Aww. My bad. I forgot to introduce myself.. Kylie Xerxzay Fuentabella. Nice to meet you." Naki-pag-shake hands pa sakin. -.-

 

".. Ang future wife ni Pat." Nanlaki mata ko.

 

"Umasa ka pa, bebe." Inirapan ko sya.

 

"Hahaha. Let's just wait and see, dear."

 

"Pwede ba.. Tumigil nga kayo. Ikaw babae. Uwi." Sabi nya kay Kylie..

 

"See you." Nanlaki mata ko at ikinagulat din ni Jeanne. He peck my husband on the lips IN. FRONT. OF. MY. VERY. EYES.

 

Umalis syang nakatawa.

 

Nilapitan ko agad si Jeanne at pinunasan ung lips nya.

 

"Siraulo yun ah." Sabi ko habang pinupunasan nung damit ko ung lips nya.

 

"Selos ka?" Tumingin sya sakin at nag-grin.

 

"Bakit ako mag-seselos." Tinakpan ko ung mukha nya nang kamay ko.

 

"Sus. Ikaw pa. Selosa mo eh."

 

"Ewan ko sayo."

 

"Uyy. Selos ang baby ko." Sabi nya pinopoke poke pa ung pisngi.

 

"Hindi nga e." Ang kulit. Hindi naman talaga. Naiinis lang ako.

 

"Sus. Ikaw naman mahal ko e. Ilusyonada lang talaga un. Tara tulog na tayo."

 

"Tch. E bakit ka niya tinawag na baby?"

 

"Ewan ko dun. Tch. My crush kasi yun sakin. Tch. Ang gwapo kasi nang asawa mo e."

 

"Kapal much, bebe. Tulog mo na yan."

 

"Bakit di ba totoo? Di ba totoong gwapo ko? Ha? Ha?"

 

Kinikiliti ako. "Hoy. Tigilan mo ko sa ganyan ganyan. Hahahahahahaha! Jeanne? Anu--hahahahaha!" Peste. *@* Kinikiliti ako. Kinagat ko sya sa kamay saka ako tumakbo sa kwarto saka nagtalukbong nang kumot.

 

"Ano? Ha? Ano? Di ka nagseselos? Hahahahaha."

 

"Kyaaaaa~ Tigilan mo nga ako--Hahahahahaha! Jeanne! Hahahahaha---"

 

"ANO GINAGAWA NYO?!"

 

Napahinto pa kaming dalawa nung biglang bumukas ung pinto.

 

"Nagbibiruan." Deadma kong sabi. Naningkit lang mata nang kuya ko. Tiningnan ko yung pwesto namin.. -.- Kaduda-duda.

 

"Bakit ba kuya?"

 

"Wala. Bantayan ko daw kayo e." Sabi kuya at biglang humiga sa gitna ni Jeanne.

 

"Anong problema mo kuya?"

 

"Bakit ako tinatanong mo? Si mama nag-utos sakin."

 

"Ahhhhhhhh.." Sabi ko nalang at bumangon na.

 

"Hoy, san ka pupunta?"

 

"Sa labas."

 

"Sama ko." Umakbay sya sakin. Saka kami naglakad. ^O^

 

Napag-pasyahan naming mag-mall.

 

Habang naglalakad kami may lumapit na matanda..

 

"Hiko, alagaan mong mabuti yang kasama mo.. Ma-maaari syang mawala sa'yo anumang oras kung hindi mo sya papahalagahan." Bigla din namang umalis ung matanda.

 

Napahawak ako kay Jeanne.

 

"Wag ka nga maniwala dun. Sus."

 

"E malay mo nga."

 

Humarap sya sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat.. "Hindi ko hahayaan yun okay?"

 

"Lika.." Hinila nya ako papuntang..


"Arcade? Ehhhh?" Nagtataka kong tanong.

 

"Oo, bakit ayaw mo? Gusto ko mag-basketball."

 

"Ayokong mapawisan. -@-"

 

Hindi sya kumibo at naglakad papuntang token booth.

 

"Ayaw mo talaga mag-basketball?"

 

"Ayaw." Sabi ko with matching iling pa.

 

"Psh. Ayan ka nanaman e." Sabay pout pa.

 

"Jeanne naman e. >O<" Hinawakan ko pa yung ilong ni Jeanne. Naglalambing e.

 

"Psh. Kung ayaw mo edi ako nalang. Problema ba un?"

 

"Oo na nga!"

 

"Napipilitan. Sus. Di bale na." znaglakad na sya at iniwan lang akong nakatayo dun.

 

Pero di pa sya masyadong nakakalayo.. Bumalik sya..

 

"Oh, bakit ka bumalik?"

 

"May nakalimutan akong kunin e."

 

"Ha? Wala ka namang binibigay sakin, pati wala ka kayang dala."

 

Hinawakan nya ung kamay ko tapos..

 

"May nabasa kasi ako.. 'Do not leave your valuables, if ever.. Our Management is not the one responsible for the loss.' Binalikan lang kita baka makuha ka pa nang iba." Hinila na nya ung kamay ko tapos nagpunta kami sa may basketball-an.

 

"Wag ka lalayo ha?"

 

Pinanuod ko lang sya. Suabe. Walang sablay mag-shoot si Jeanne. Maya maya, inikot ko ung paninginko dun sa lugar.. May nakita akong booth na pinapilatan nila ung ticket nang prize. Paglapit ko.. May malaking life size bear.

 

"Halaaaa! Ang cutte!!" Sabi ko at nilapitan ung bear.

 

"Miss, gusto mo yan?" Napalingon ako. May tatlong lalaking lumapit sakin. "Pwede ko yang kunin para sa'yo."

 

Gwapo yung lalake. Kaso, mukhang di mapapagkatiwalaan e.

 

"Oo nga, miss. Kaya namin kunin yan para sa'yo." Sabi pa nung isang lalake. Cute dya kaso mukhang basagulero. "Diba taga-Saint Augustine College ka?"

 

Tumango lang ako.

 

"Ang ganda mo e. Pwedeng makuha number mo?"

 

Umatras ako sa kinatatayuan ko, pero pag-atras ko may humawak na kamay sa dalawa kong balikat kaya napapikit ako. Apat pala sila. T.T

 

"Ikaw at ikaw. Hindi nyo pwedeng kunin ung bear na yun, kase ako ang kukuha nun para sa kanya.. At ikaw, hindi mo pwedeng kunin ung number nya kasi ayoko ko."

 

"Aba, pare. Ang pangit ata nang tabas nang dila mo. Ano gusto mo ha?" Sabi ni Guy1.

 

"Ang gusto ko lang, wag nyo lapitan 'to." Sabi nI Jeanne.

 

"Yabang mo ah, bakit? Sino ka ba sa buhay nya? Yaya ka ba nya?" Sabat naman nung guy 2.

 

"Asawa nya." Naningkit ung mata nung tatlo.

 

"Hindi kapanipanawala, pare. Ang babata nyo pa." Guy 1.

 

"Baket ilang taon ka na ba?" Tanong ni Jeanne.

 

"22." Guy1

 

"E mas gurang ka pa pala sakin e."

 

"Aba't tarantado ka ah!" Sumenyas sya dun sa dalawa. Bigla bilang hinila si Jeanne. Si guy1 ako hinila.

 

"Bitawan nyo nga si Jeanne!??"

 

"Angas mo ah? Gusto mong basagin ko mukha mo?"

 

"Kung kaya mo."

 

"Aba't!" Sasapakin na sana ni guy 1 si Jeanna pero naka-ilag sya. Kaso, nakahawak agad ung dalawa kay Jeanne kaya nasapak ni guy1 si Jeanne.

 

"Hoooooy!!! Ano ba?! Tigilan nyo nga sya!!! Jeanne ano ba!!! Labanan mo nga sila. Jeanne!!" Naiiyak na ako. Hindi ko malapitan si Jeanne.

 

"Jeanne!! Hoy kayong mga unggoy kayo!! Tigilan nyo nga asawa ko!! An---anooooo ba?!"


"Yan." Bigla pang tinulak pababa nung lalake si Jeanne. "Kikilalanin mo muna kung sino kakalabanin mo ha?"

 

Nilapitan ko kaagad si Jeanne. "Layuan mo nga kame!"

 

"J-j-jeanne.. Okay ka lang ba?"

 

"Mukha ba akong okay?" Kung hindi lang siguro ganto to baka sinapak ko na. Ang tino sasagot e.

 

"Tara na nga." Buti na sa may gilid kami nakakita ata ako agad nang taxi.

 

Pagsakay namin pinunasan ko sya sa mukha pano puro gasgas. Pagkapunas ko, bigla lang sya sumandig sa balikat ko tapos ung kamay nya inikot nya sa bewang ko.

 

"What time is it? Where you are? I miss you more than anything. Back at home, you feel so far. Waiting for my phone to ring."

 

Ang tamlay nang kanta nya.

 

"Jeanne. May sakit ka ba?"

 

"Wala akong sakit. Pero, may masakit sakin."

 

"Wew. Edi wala ka ngang sakit." Sarcastic kong sabi.

 

"Ewan ko sayo, Marie. Tino mo kausap. Pucha. Jan na po sa tabi." Did he just curse me?

 

"Did you just cursed me, Jeanne?" Nanggigilid luha ko.

 

"Ang tino mo kausap e. Badtrip ka."

 

Pinikit ko yung mata ko para di ako maiyak. Pero saktong pagpikit ko tumulo ung luha sa mata ko.

 

"N-nang.. Nang dahil lang dun... Mumurahin mo na ako?" Naiiyak na ako. Nanginginig na boses ko.

 

"Bahala ka nga." Nauna syang pumasok. Iniwan pa nya ako dun.

 

Saktong pag-pasok nya sa pinto saka ako naiyak. Napaupo nalang ako dun sa garden.

 

"Dahil lang don ganin sya agad? Napaka-unreasonable nya! Nakakainis!" Iyak lang ako nang iyak. Di muna ako agad pumasok. Mga 30 minutes pa bago ako pumasok.

 

"O anak? San ka ba galing?"

 

"Nanjajan lang po ako sa garden."

 

"Akala ko naiwan ka pa sa mall, kumain ka na." Sabi mama sabay kuha nung food sa ref.

 

"Ahh, ma. Wag na po. Wala akong gana e."

 

"Sige, magpahinga ka na ha?"

 

"Opo." Umakyat na ako sa kwarto. Nakita ko patay yung ilaw pero bukas TV. Eh ano? Edi pumasok parin ako. Nakita ko si Jeanne nakahiga tapos nanunuod nang basketball.

 

Di ko nalang sya pinansin at nagdirediretso sa CR.

 

After ko mag-shower. "Asan na yung towel ko?" Hinanap ko pero wala.

 

"Aish!! Nakakainis naman!" Sinuot ko ung nakita kong shirt ni Jeanne. Pag-suot ko syempre na-amoy ko shirt nya. Bakit ambango parin? Dahil mahaba naman un.. Hanggang mid-thigh ko sya.

 

Paglabas ko nang door.. Napatingin sakin si Jeanne.. From head to toe.

 

"Problema mo?" Di sya sumagot. Napa-iling lang sya.

 

Naiinis na talaga ako ha! He's being himself again. Kaya nilapitan ko sya.

 

"Jeanne Patrick, what the hell is your problem?!" Sigaw ko.

 

"Tigilan mo nga ako."

 

"ANO KASI!??"

 

"Marie, tigilan mo ako habang nakakapagpigil pa ako ha." Habang sinasabi nya uyn sakin. Naka-pikit sya.

 

"Jeanne! Kinakausap kita Jeanne! Tumingin ka sakin."

 

"Marie, bukas na tayo mag-usap okay? Wala na ako sa mood."

 

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naiyak e. Hindi ko alam kung out of frustration lang o ano. Nakatalungko ako sa harap nya.

 

"Nakakainis ka naman e. Nakakainis ka. Nakakainis ka." Naramdaman ko nalang na hinila nya ako sa wrist at inupo sa lap nya.


Yung mukha nya asa balikat ko. Di ko alam kung nakatagilid ba sya kasi ung kamay ko nakatakip sa mukha.


"Fine. Sige na. Sasabihin ko na. Aish. Pano ko ba sasabihin?"


Hinihintay ko lang sya mag-salita.


"Alam mo ba kung bakit di kita kinikibo yesterday?" Nag-shrug lang ako.


"Aish. Teka, pano ko ba---Aish. Bakanagingmommyatdaddynatayokungdikonapigilansariliko."


Kumunot noo ko. "Ano?"


"Aish. Don't make me say it again!"


"E bakit mo ko sinisigawan!"


"Aish. Eto na.. Aish. Kasi namane. Baka naging mommy at daddy na kako tayo kung di ko napigilan sarili ko." Nanlaki mata ko sa sinabi nya napatakip pa ako nang bibig. Ewan ko pero napayakap nalang ako. Kasi.. >////> Nag-blush ata ako.


He.. He wants me? Shoooooocks!


He encircled my waist. Pero di nag-tagal.. Hinawakan nya ung magka-bilang pisngi ko saka ako hinalikan.


Deadma lang ako. Ganyan sya lagi. Gusto nya ung deep kiss. Nakakainis! Parang ang matured masyado para samin.


"Jeanne naman." Yumuko ako. Kumakabog ung dibdib ko. >////<


Di sya sumagot niyakap lang nya ko.


"S-sorry." Parang nag-g-guilty ako na ewan.


"It's okay. Don't think about it." Magkayakap lang kami dun. Hanggang sa nahiga na kami saka nakatulong.


Parang.. Hindi ata ako qualified maging isang asawa nang Jeanne Patrick Tolentino na'to? :(

We Got Married! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon