~
[44] My Man.
"Hello?"
(Uhm. Marie?)
Nanginginig ako. Hindi ko alam kung paano ba ako aasta ngayon sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko na sya dapat kausapin..
Kasi.. Sobrang linaw. Ako ung tumapos nang kung ano mang meno sa aming dalawa.
(Hey. Are you still there?)
"Ah-ah. Oo.. Napatawag ka?"
(Ah. Kakamustahin lang kita. Apologies for not contacting you for almost a month now. Nasa England pa kasi ako kahapon.) So, he's busy. Never mind.
"Ah.. Ano.. Okay naman ako.."
(That's good to hear.. N-nasa bahay ka ba?)
"Ah--ehh-- Oo. Bakit?"
(I wanna see you. Pupunta ako jan.)
"Ha.. ano kasiii.."
The line was dead. Naman! Bakit ba sya pupunta dito?! My chest starts to contract. Hindi ako makahinga.
"Woooh" Sabi ko habang palakad lakad sa harap ng salamin tapos ipinapaypay ko ung kamay ko sa sarili ko. I'm tensed.
Maya maya lang.. May kumatok sa kwarto. "Anak?" Lumingon ako si Mama.
"P-po?"
"Nanjan si Jeanne sa labas.. Papasukin ko ba?" Ung tono ni Mama parang.. worried? Anxious?
"Ah.. S-sige po. Uhm. Bababa nalang po ako."
"Oh, sige. Find your happiness, darling." Ngumiti si Mama at niyakap ako.
"I will, mommy. Soon."
Bigla akong napahawak sa may full length mirror..