Epilogue (Part 2)

4.9K 44 5
                                    

Epilogue (Part2)

"Guys! Ready ka ba, Jeanne?" - Tita Pinky

"Yep, tita. All set." Ngumiti ako kay Tita. Niyakap lang nya ako.

"I'm so happy for you Jeanne. Alam kong kung nandito pa ang papa at mama mo I'm sure. Proud na proud sila ngayon." Nginitian ko lang si Tita dun sa sinabi nya.

We'll be having our third concert here in the Philippines. Excited ako. Hindi ako kinakabahan kahit konti. Unti unti kaming nakilala hanggang sa may gustong mag-sponsor samin para mag-world tour kami. But I have to leave the country to prepare. Hindi naman kasi biro ung 'world tour'.

Syempre, dahil home country namin ang Pinas hindi pwedeng mawala 'to sa list of countries na pagdarausan ng concert.

It has been 5 long years. Kinailangan ko nanamang umalis ng Philippines. Pero, I made a good deal with Marie. At eto na ung araw nayun. 

Actually, wala talaga syang idea kung ano man ung gagawin. Dito ako kinakabahan e. Sa gagawin ko at hindi sa concert namin.

Tinawagan ko sya a month before, at sinabi sa kanya ung about sa concert. Excited kaming parehas kasi magkikita ulit kami kahit sandali. Kahit na sandali lang, atleast diba? Kasi syempre, I have to continue the world tour.

Nung gabing tinawagan ko sya, pagkarinig na pagkarinig ko palang ng boses nya. Sobrang nakaramdam na ako ng loneliness at emptiness. Pero sandali nalang makikita ko na ulit sya. Ang kabilin bilinan ko sa kanya.. Isama nya si Jiro. Napangiti ako. Sigurado pogi anak ko. Mana sakin.

"Jeanne! Standby! We'll start in.." Sabi nung prodcuer.

So, this is it.

"3, 2, 1.. CUE!"

Nagsimula nang tumaas ung mga curtains. On, cue naman.. Part ko na'to. Actually, patapos na'tong concert ako na ang last song.. Syempre, eto nga ang pinaka highlight ko ngayon dito.

Pagbukas ng curtains, tumingin ako sa mga kaibigan ko..

Si Chris, nag-thumbs up lang sakin.

Si Matt at Ethan nag-flying kiss pa mga gago talaga. Natawa nalang ako.

Si Van naman.. Nag Pinoy sign. Ung Naka-close fist tapos ipapound ung dibidb.

Swerte ako sa mga ugok na'to. Baka kung hindi ko sila naging kaibigan baka wala ako dito ngayon. 

Nginitian ko sila at naglakad na papunta sa gitna. 

Madilim ung paligid. Sakin lang nakatapat ung tatlong spotlight.

Nagsimula na silang tumugtog.

"When I look into your eyes it's like watching the night sky or a beautiful sunrise." Dahan dahan kong sabi tapos tumingin ako dunsa operator para i-play ung video na ginawa ko.

Ano yun, compilation ng slides. Pictures namin. Nung nasa Philippines pa ako kasama ung mga baby pictures ni Jiro. 

Alam na din naman ng lahat na I'm married. Pero, suportado ako ng mga fans ko. Ha. Gwapo e.

"There's so much they hold and just like them old stars I see that you've come so far to be right where you are how old is your soul?"

Hinahanap ng mata ko si Marie sa crowd. Nakita ko naman sila agad. Nasa pinakaharap sila. Katabi nya si Jiro. Si Mama, si Papa si Kuya Stephen saka si Ate Aly. Nandun silang lahat. 

"I won't give up on us even if the skies get rough I'm giving you all my love I'm still looking up."

Napapangiti ako habang kumakanta. Masyado na kaming maraming pinagdaanan. Akalain mo pang aabot pa kami ng higit pa sa limang taon? Para kaming aso't pusa. Para kaming si Tom at Jerry. Walang tigil na away.Walang tigil na bangayan. Pero, can you believe that we manage to stick together?

We Got Married! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon